Islam
bumalik

99. Az-Zalzala

1Kung ang Kalupaan ay mayanig sa kanyang (matinding) paglindol

2At kung ang Kalupaan ay magluwa ng kanyang mga dalahin

3At ang tao ay magsasabi: “Ano 968 ang nangyayari (at nagpapagulo) sa kanya?”

4Sa Araw na kanyang ipagsasaysay ang balita at kaalaman (sa mga naganap sa kanya na mga kabutihan at kasamaan)

5Sapagkat ang iyong Panginoon ay nagbigay sa kanya ng tagubilin

6Sa Araw na ang sangkatauhan ay magsisilakad sa magkakahiwalay na pangkat upang itambad sa kanila ang kanilang mga gawa

7Kaya’t sinuman ang gumawa ng mabuting gawa na katumbas ng bigat ng isang atomo (o isang maliit na langgam), ay makakamalas nito

8At ang sinumang gumawa ng masamang gawa na katumbas ng bigat ng isang atomo (o isang maliit na langgam), ay makakamalas nito

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath