98. Al-Bayyina
1Yaong mga hindi sumasampalataya sa lipon ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) at sa pangkat ng mga Pagano (mapagsamba sa diyus-diyosan), at hindi nila iiwan (ang kanilang kawalan ng pananalig) hanggang sa dumatal sa kanila ang Malinaw na Katibayan
2Isang Tagapagbalita (Muhammad) mula kay Allah, na dumadalit ng mga dalisay na pahina (ng Qur’an, dalisay sa Al-Batil [kabulaanan, kasinungalingan, atbp)
3Na nagtataglay ng tumpak at tuwid na mga batas mula kay Allah
4At ang Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay hindi gumagawa ng pagkakaiba noon (sa mga Batas, sa mga Propeta, atbp.) maliban na lamang nang dumatal sa kanila ang Malinaw na Katibayan (alalaong baga, si Propeta Muhammad at anumang ipinahayag sa kanya)
5At sila ay hindi pinag-utusan maliban lamang na kanilang sambahin si Allah, at huwag sumamba sa iba maliban pa sa Kanya (huwag mag-akibat ng mga katambal sa Kanya), at nag- aalay ng panalangin nang mahinusay (Iqamat-us-Salat), at nagkakaloob ng Zakat (katungkulang kawanggawa), at ito ang Tumpak na Pananampalataya
6Katotohanan, sila na hindi sumasampalataya (sa relihiyong Islam, sa Qur’an at kay Propeta Muhammad) sa lipon ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) at mga Pagano (mapagsamba sa mga diyus-diyosan), ay mananahan sa Apoy ng Impiyerno. Sila ang pinakamasama sa lahat ng mga nilalang
7Katotohanan, sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad, kasama na rito ang lahat ng mga katungkulang ipinag-uutos sa Islam) at nagsisigawa ng matutuwid at mabubuting gawa, sila ang pinakamainam sa lahat ng mga nilalang
8Ang kanilang gantimpala sa kanilang Panginoon ay Halamanan ng Kawalang Hanggan (Paraiso), na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy, mananahan sila rito magpakailanman, si Allah ay tunay na nalulugod sa Kanila, gayundin naman sila kay Allah. Ito ay para sa kanya na may pangangamba kay Allah
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath