96. Al-Alaq
1Ipahayag!SaNgalanngiyongPanginoonatTagapagtaguyod na lumikha sa lahat ng bagay
2Na lumikha sa tao mula sa namuong patak ng dugo
3Ipahayag! Ang iyong Panginoon ang Pinakamapagbigay
4Na nagturo sa tao (ng pagsulat) sa pamamagitan ng panulat (ang unang tao na sumulat ay si Propeta Idris [Enoch)
5Na nagturo sa tao ng hindi niya nalalaman
6Hindi! Katotohanan, ang tao ay lumabag sa lahat ng hangganan (ng pagsuway, kawalan ng pananalig at kasamaan, atbp)
7Sapagkat itinuturing niya ang kanyang sarili na may sariling kasapatan (hindi nangangailangan ng anumang tulong)
8Katiyakan! Sa iyong Panginoon ang pagbabalik (ng lahat)
9Nakikita mo ba (o Muhammad) siya na humahadlang (alalaong baga, si Abu Jahl)
10Sa isang alipin (Muhammad) kung siya ay nananalangin
11Sabihin mo sa akin, kung siya (Muhammad) ay nasa patnubay (ni Allah)
12o nagtatagubilin sa kabanalan
13Sabihin mo sa akin kung siya (na walang pananalig, si Abu Jahl) ay nagtatatwa (sa Katotohanan, alalaong baga sa Qur’an), at tumatalikod
14Hindi baga niya nababatid na si Allah ang nakakamasid (ng kanyang ginagawa)
15Hindi! Kung siya (Abu Jahl) ay hindi titigil, Aming kakaladkarin siya sa kanyang buhok na nakalawit sa noo
16Isang nagsisinungaling at makasalanang buhok na nakalawit sa noo
17At hayaan siyang tumawag (ng tulong) sa lipon (ng kanyang mga kapanalig)
18Tatawagin Namin ang mga tagapagbantay ng Impiyerno (anghel ng kaparusahan upang harapin siya)
19Hindi! (O Muhammad)! Huwag mo siyang sundin (Abu Jahl), bagkus ay magpatirapa ka at lumapit kay Allah
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath