95. At-Tin
1Sa pamamagitan ng Igos at sa pamamagitan ng oliba
2Sa pamamagitan ng Bundok ng Sinai
3At sa pamamagitan ng Lupain ng Kaligtasan (Makkah)
4Katotohanang Aming nilikha ang tao sa ganap na anyo (at sukat)
5At pagkatapos ay Aming ibinaba siya sa pinakamababa sa lahat ng mababa
6Maliban sa mga may pananalig (sa Islam at Kaisahan ni Allah) at may matutuwid na gawa, kung gayon, sasakanila ang gantimpala na walang hanggan (Paraiso)
7Kung gayon, ano (o sino) ang nagtulak sa inyo (o mga walang pananampalataya) na itatwa ang Kabayaran (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay)
8Hindi baga si Allah ang Pinakamaalam sa lahat ng Hukom
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath