Islam
bumalik

94. Ash-Sharh

1Hindi baga Aming binuksan ang iyong dibdib para sa iyo (o Muhammad)

2At pinawi sa iyo ang pasan mong hirap

3Na nagpapabigat sa iyong likuran

4At iniakyat nang mataas ang iyong kabantugan

5Katotohanan! Sa bawat kahirapan ay may kaginhawan

6Katotohanan, sa kahirapan ay may kaginhawahan (alalaong baga, mayroong isang kahirapan sa dalawang ginhawa, kaya’t ang isang kahirapan ay hindi maaaring dumaig sa dalawang ginhawa)

7Kaya’t kung ikaw ay matapos na (sa iyong hanapbuhay o pinagkakaabalahan), kung gayon, ikaw ay tumindig sa pagsamba kay Allah (alalaong baga, ang tumindig sa pananalangin)

8At sa iyong Panginoon mo (lamang) 964 ibaling (ang lahat mong pansin at pag-asa) at iyong mga panikluhod

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath