93. Ad-Dhuhaa
1Sa pamamagitan ng katanghalian (matapos ang maluwalhating sikat ng umaga)
2At sa pamamagitan ng Gabi kung ito ay pusikit
3Ang iyong Panginoon (o Muhammad) ay hindi tumalikod sa iyo o namuhi sa iyo
4At katotohanan, ang Kabilang Buhay ay higit na mainam sa iyo kaysa sa kasalukuyang buhay (ng mundong ito)
5At katotohanan, ang iyong Panginoon ay magkakaloob sa iyo (ng lahat ng mabuti), upang ikaw ay lubos na masiyahan
6Hindi baga ikaw (O Muhammad) ay natagpuan Niya na isang ulila at ikaw ay pinagkalooban Niya ng masisilungan
7At Kanyang natagpuan na ikaw ay walang kamuwangan (sa Qur’an, sa mga legal na batas nito, sa pagka-propeta, atbp.) at ikaw ay ginawaran Niya ng patnubay
8At Kanyang namasdan na ikaw ay nangangailangan at ikaw ay ginawa Niyang maalwan (may sariling kasapatan at nasisiyahan, atbp)
9Kaya’t huwag mong ituring ang ulila ng may pang-aapi
10At huwag mong talikdan ang humihingi
11At ipagbunyi mo ang Kasaganaan ng iyong Panginoon (alalaong baga, ang pagka-Propeta at lahat ng iba pang Biyaya)
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath