92. Al-Lail
1Sa pamamagitan ng Gabi habang lumulukob (sa liwanag)
2At sa pamamagitan ng Araw habang ito ay namamanaag sa pagsikat
3At sa pamamagitan Niya na lumikha ng lalaki at babae
4Katotohanan, ang inyong pinagsusumikapan at mga gawa ay magkakaiba (sa layunin)
5At sa kanya na nagbibigay (sa kawanggawa) at nananampalataya at may pangangamba kay Allah
6At (buong katapatan) na nananampalataya sa Al-Husna (ang Pinakamainam, alalaong baga, isang gantimpala mula kay Allah, na si Allah ang magbabayad sa anumang kanyang ginugol tungo sa Kapakanan ni Allah o maggagawad sa kanya ng Paraiso)
7Katotohanang gagawin Naming magaan sa kanya ang Landas patungo sa Kaluwalhatian
8Datapuwa’t siya na makasarili at mapag-imbot at nagpapalagay na may sarili siyang kasapatan (alalaong baga, na nasa kanya ang lahat ng bagay)
9At hindi nananangan sa Al-Husna (ang Pinakamainam na gantimpalang manggagaling kay Allah, tingnan ang Talata bilang)
10Katotohanang gagawin Naming magaan sa kanya ang Landas patungo sa Kapariwaraan
11At anong kapakinabangan ang maidudulot sa kanya ng kanyang kayamanan sa sandaling siya ay ibulid sa Balon (ng Apoy ng Impiyerno)
12Katotohanan! Nasa sa Amin ang pagbibigay ng 962 Patnubay
13At Katotohanang Kami ang nagtataglay (ng kapamahalaan) ng Katapusan (Kabilang Buhay) at ng Simula (ang Buhay sa mundong ito)
14Kaya’t kayo ay Aking binabalaan ng Naglalagablab at Umaalimpuyong Apoy (Impiyerno)
15walang ibang papasok dito maliban sa mga tampalasan
16Na nagpapasinungaling sa Katotohanan at tumatalikod
17Datapuwa’t sa Muttaqun (mga matimtiman at matutuwid na tao na lubos na sumasampalataya kay Allah), ay malayo rito (Impiyerno)
18Sila na gumugugol ng kanilang kayamanan upang magkamit ng kadalisayan (sa kanilang sarili)
19At wala siyang iniisip na pag-asam ng ganti sa sinuman (na kanyang dinamayan)
20Maliban lamang sa kanyang hangarin na mapaghanap ang Bukas na Mukha ng kanyang Panginoon, ang Kataas-taasan
21Katiyakang Siya ay malulugod (kung siya ay papasok na sa Paraiso). BAgo tumAnghAli
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath