Islam
bumalik

90. Al-Balad

1Ako ay sumusumpa sa pamamagitan ng Lungsod na ito (ang Makkah)

2At ikaw ay isa sa (malayang) mamamayan ng Lungsod na ito

3At sa pamamagitan ng nagsilang ( [o naging ama] , alalaong baga ay si Adan) at ang isinilang ( [o naging anak] , alalaong baga, ang kanyang naging lahi

4Katotohanang Aming nilikha ang tao sa paggawa at pagsisikap (sa pakikitalad sa buhay)

5Inaakala ba niya na walang sinuman ang may kakayahan na makakapangyari sa kanya

6At siya ay nagtuturing (sa kapalaluan): “Aking nilustay ang kayamanan sa pagmamalabis!”

7Inaakala ba niya na walang sinuman ang nakakamatyag sa kaniya

8Hindi baga Namin nilikha ang kanyang dalawang mata

9At ang dila, at dalawang labi

10At Aming pinatnubayan siya sa dalawang landas (ng tumpak at mali)

11Datapuwa’t siya ay hindi nagsumikap na tahakin ang matarik na daan (ng kaligtasan)

12At ano nga ba ang ipinapahiwatig ng matarik na daan (ng pag-akyat)

13(Ito nga): Ang pagpapalaya sa isang leeg (alipin, atbp)

14At pagbibigay ng pagkain sa panahon ng taggutom (at pagdarahop)

15Sa ulila na may kawing ng pagkakamag-anak

16At sa naghihikahos (na lugmok sa kahirapan)

17Kung magkagayon, siya ay isa sa mapapabilang sa mga sumasampalataya at nagtatagubilin sa isa’t isa sa pagiging matimtiman at matiyaga, at (gayundin) ay nagtatagubilin sa isa’t isa sa pagiging maawain at bukas ang puso

18Ang kanilang lugar ay nasa Kanang Kamay (ang magsisipanirahan sa Paraiso)

19Datapuwa’t sila na hindi sumampalataya sa Aming Ayat (katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), sila nga ang titipunin sa Kaliwang Kamay (ang magsisipanirahan sa Impiyerno)

20Sa kanila ang Apoy ay ilulukob nang ganap (alalaong baga, sila ay mababalot ng Apoy na walang anumang singawan, butas o bintana)

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath