Islam
bumalik

89. Al-Fajr

1Sa pamamagitan ng Bukang Liwayway

2Sa pamamagitan ng sampung gabi (alalaong baga, ang unang sampung araw ng buwan ng Dhul-Hijja)

3Sa pamamagitan (ng bilang) na pantay at gansal (sa lahat ng mga nilalang ni Allah)

4At sa pamamagitan ng gabi kung ito ay lumilipas

5Katotohanang narito (sa mga sumpang pahayag) ang sapat na katibayan sa mga tao na may ganap na pang-unawa (at dahil dito, sila ay marapat na umiwas sa lahat ng mga kasalanan at kawalang pananalig, atbp)

6Hindi mo ba namamalas ([o napagtatanto] O Muhammad) kung paano itinuring ng iyong Panginoon ang angkan ni A’ad

7Ng lunsod ng Imran, na may matataas na haligi

8Ang katulad nito ay hindi ginawa sa (lahat) ng lupain

9At sa angkan ni Thamud na bumabaak ng malalaking bato sa paanan ng bundok (upang gawing tirahan)

10At kay Paraon na may mga talasok (na nagpapahirap sa mga tao sa pamamagitan ng pagtatali sa mga talasok)

11Na nagmalabis sa lahat ng hangganan ng kalupaan (sa pagsuway kay Allah)

12At nagsagawa rito ng napakaraming kabuktutan

13Kaya’t ang iyong Panginoon ay naggawad sa kanila ng iba’t ibang uri ng kaparusahan

14Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Laging Nagmamasid (sa kanila)

15At ang tao, kung siya ay subukan ng (kanyang) Panginoon at gawaran ng biyaya at karangalan; kanyang sasalitain (ng may pagmamalaki): “Ang aking Panginoon ay nagparangal sa akin!”

16Datapuwa’t ang tao, kung siya ay Kanyang subukan at higpitan ang pinagkukunan ng kanyang biyaya; kanyang sasalitain (sa kawalang pag-asa): “Ang aking Panginoon ay humamak (umaba) sa akin!”

17Hindi! Katotohanang ikaw ay hindi lumilingap sa mga ulila (maging ang pakitunguhan sila ng mabuti, o ipagkaloob sa kanila ang nararapat nilang mana)

18At walang malasakit na pakainin ang naghihikahos

19At kinamkammoang(kanilang) pamana, anglahat- sapagiging gahaman

20At nagmamahal ka sa iyong kayamanan ng labis-labis na pagmamahal

21Hindi! Kung ang kalupaan ay durugin ng pinung-pino

22At ang iyong Panginoon ay pumarito na kasama ng pangkat-pangkat na anghel

23At ang Impiyerno, sa Araw na ito ay matatambad ng malapit. Sa Araw na ito, ang tao ay makakaala-ala, datapuwa’t paano kaya na ang gayong pag-aala-ala ay makakatulong sa kanya

24Siya ay magsasabi: “Ah! Sana ay pinaghandaan ko ito (ng mabubuting gawa) tungo sa aking darating na (ibang) buhay!”

25Sa Araw na ito, ang Kanyang kaparusahan (ng sakit at lumbay) ay hindi maipadadama ng sinuman (maliban sa Kanya)

26At ang Kanyang paggapos (sa piitan) ay hindi maipadadama ng sinuman (maliban sa Kanya)

27(At sa mabubuting kaluluwa ay ipagbabadya): “o (ikaw na) kaluluwa, sa (ganap) na kapahingahan at kasiyahan

28Magbalik ka sa iyong Panginoon, na nalulugod (sa iyong sarili) at iyong tamasahin ang Kanyang lugod

29Halika, pumasok ka sa lipon ng Aking mararangal na alipin

30Katotohanan, pumasok ka sa Aking Langit (Paraiso)!”

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath