Islam
bumalik

88. Al-Ghaashiya

1Nakarating na ba sa iyo ang balita ng kasindak- sindak na sandali (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay)

2Sa Araw na yaon, ang maraming mukha ay magiging aba (alalaong baga, ang mukha ng mga Hudyo at Kristiyano, atbp)

3Na gumagawa (ng buong pagsisikap sa makamundong buhay sa pagsamba sa mga iba tangi pa kay Allah), na tigib ng sakit at napapagal (sa Kabilang Buhay dahilan sa pagkadusta at kahihiyan)

4Sila ay magsisipasok sa Naglalagablab na Apoy

5Sila ay dudulutan ng inumin mula sa kumukulong batis

6At walang anumang pagkain dito para sa kanila maliban sa mapait at matinik na bungangkahoy at halaman

7Na hindi makakapagbigay lakas o kabusugan sa kanila at makakapawi ng gutom

8Sa Araw na ito, ang ibang mukha ay magagalak

9Na nasisiyahan sa kanilang pinagsikapan (sa mabubuting gawa na kanilang ginawa sa mundong ito, kasama na ang Tunay na Pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)

10Sa mataas na Halamanan (Paraiso)

11Na rito ay hindi nila mapapakinggan ang masamang usapan at kabulaanan

12Na rito ay may dumadaloy na batis

13Na rito ay may Luklukan ng Karangalan na nakataas

14At mga kopita na laging laan

15At mga diban na nakasalansan

16At mga ginintuang alpombra (karpeta) na nakalatag

17Hindi baga nila isinasaalang-alang ang kamelyo kung paano sila nilikha

18At ang langit kung paano yaon itinaas

19At ang kabundukan kung paano ito nilagyan ng ugat at itinayo nang matatag

20At ang kalupaan kung paano ito inilatag nang malawak

21Kaya’t paalalahanan mo sila (o Muhammad), ikaw ay isa lamang tagapagpaala-ala

22Ikaw ay walang pananagutan na pamahalaan ang kanilang pamumuhay

23Datapuwa’t kung sinuman ang tumalikod at hindi sumampalataya (kay Allah) at walang pananalig

24Kung gayon, si Allah ang magpaparusa sa kanya ng kasakit-sakit na Kaparusahan

25Katotohanang sa Amin ang kanilang hantungan

26At katotohanang Kami ang nakakapangyari upang tawagin sila sa Pagsusulit

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath