87. Al-A'laa
1Luwalhatiin ang Pangalan ng iyong Tagapagtangkilik na Panginoon, ang Kataas-taasan
2Na Siyang lumikha (ng lahat ng bagay) at nagbigay ng anyo at kaayusan
3Na nagtakda ng Ganap na Sukat (kahihinatnan ng lahat at bawat isa maging sa kabutihan o kasamaan) at nagbigay ng Patnubay (nagturo sa sangkatauhan ng Tumpak at Maling Landas)
4At nagpatubo ng mga luntiang halamanan at pastulan
5At muli ay ginawa, (at Kanyang) ginawa ito na dayami (at bagaso)
6Sa sunod-sunod na antas ay ipahahayag Namin sa iyo (o Muhammad) ang Mensahe (ang Qur’an) upang hindi mo malimutan
7Maliban sa anumang pahintulutan ni Allah. Talastas Niya ang nakalantad at nalilihim
8At gagawin Naming magaan ito sa iyo (O Muhammad) upang masunod mo ang Landas (sa paggawa ng mga kabutihan)
9Kaya’t paalalahanan mo (ang mga tao) kung ang pagpapaala-ala ay magbibigay kapakinabangan (sa mga makikinig)
10Ang panawagan at paala-ala ay diringgin niya na may pangangamba (kay Allah)
11Datapuwa’t ito ay itatakwil ng mga masasawing palad (sa kaparusahan)
12Na mahuhulog sa Nag-aalimpuyong Apoy at lalasap ng kanyang paglalagablab
13dito, siya ay hindi mamamatay (upang maginhawahan), o mabubuhay (sa mabuting kalagayan)
14Katiyakan, ang magtatamo 954 ng tagumpay ay siya na nagpapadalisay ng kanyang sarili (sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagsamba sa mga diyus- diyosan at pagtanggap sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)
15At lumuluwalhati sa Pangalan ng kanyang Tagapagtangkilik na Panginoon (sumasamba lamang kay Allah at wala ng iba), at bukas ang puso sa pananalangin (alalaong baga, ang limang takdang panalangin sa maghapon bukod pa ang mga dasal na ipinagtatagubilin)
16Datapuwa’t minahalaga ninyo ang buhay sa mundong ito na hindi magtatagal
17Bagama’t ang Kabilang Buhay ay higit na mainam at mananatili
18Katotohanang ito ay nasa mga Aklat ng unang kasulatan
19Sa mga Kasulatan ni Abraham at Moises
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath