86. At-Taariq
1Sa pamamagitan ng langit at At-Tariq (ang dumarating na panauhin sa gabi, alalaong baga, ang maningning na bituin)
2Ah! Ano baga kaya ang ipinapahiwatig sa inyo ng At-Tariq (ang panggabing panauhin)
3Ito ay isang Bituin (na may naglalagos) na liwanag
4walang sinumang tao (kaluluwa) ang walang may tagapangalaga sa kanya (alalaong baga, ang mga Anghel na nakatalaga sa bawat tao at nagbabantay sa kanya, na nagtatala ng kanyang mabuti at masamang gawa, atbp)
5Ngayon, (hayaan) ang tao ang makatunghay 952 kung ano ang pinagmulan ng kanyang pagkalikha
6Siya ay nilikha mula sa isang patak na sumago
7Na nanggagaling sa pagitan ng gulugod at mga tadyang
8Katotohanan! Siya (Allah) lamang ang may kakayahan na muling magsauli ng (kanyang) buhay
9Sa Araw na ang lahat ng mga lihim (mga gawa, pagdarasal, pag-aayuno, kawanggawa, atbp.) ay mabubunyag at susuriin (kung katotohanan)
10Kaya’t (ang tao) ay walang magiging kapangyarihan at wala ring magiging katuwang
11Sa pamamagitan ng alapaap (na may balongngtubig) nanagpapamalisbisngulannangpaulit-ulit
12At sa kalupaan na nagbibitak (sa pagsulpot at pagtubo ng mga puno at halaman)
13Pananganan! Katotohanang ito (ang Qur’an) ang Pahayag na nagbubukod (sa pagkakaiba) ng katotohanan at kabulaanan (ng tumpak at mali at nag- uutos ng mahigpit na mga batas sa sangkatauhan upang masugpo ang ugat ng kasamaan)
14At ito ay hindi isang bagay na paglilibang lamang
15Katotohanang sila ay nagbabalak ng isang pakana (laban sa iyo, o Muhammad)
16At Ako (Allah) rin ay nagbabalak ng isang pakana (laban sa kanila)
17Kaya’t bigyan ninyo ng palugit ang mga hindi sumasampalataya (na mamahinga). (Sa ngayon), sila ay pansamantala ninyong pakitunguhan nang mabayanad
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath