Islam
bumalik

85. Al-Burooj

1Sa pamamagitan ng alapaap (langit), na naghahawak ng malalaking pangkat ng mga bituin

2At sa pamamagitan ng ipinangakong Takdang Araw (ng Paghuhukom)

3At sa pamamagitan ng araw na sumasaksi (alalaong baga, ang Biyernes), at sa Araw na sinaksihan (alalaong baga, 950 ang Araw ng Arafat [Hajj], sa ikasiyam ng Dhul Hijja

4Kasawian sa mga gumagawa ng balon (ng apoy)

5Na ang apoy ay tinutustusan ng (maraming) panggatong

6Pagmasdan! Sila ay magsisiupo rito (sa apoy)

7At kanilang nasaksihang (lahat) ang kanilang ginagawa laban sa mga sumasampalataya (alalaong baga, ang pagsunog sa kanila na mga sumasampalataya sa buhay sa mundong ito)

8Na walang ginawang masama laban sa kanila maliban na sila ay nananampalataya kay Allah, ang Sukdol sa Kapangyarihan at nagtatangan ng Lubos na Kapurihan

9Siya (Allah) ang nag-aangkin ng ganap na kapamahalaan at paghahari sa kalangitan at kalupaan! At si Allah ang Saksi sa lahat ng bagay

10Katotohanan! Sila na umuusig (at nang- aalipusta) sa mga sumasampalataya, lalaki man at babae, (sa pamamagitan ng pagpapahirap at pagsunog sa kanila) at hindi nagtika (sa pagsisisi kay Allah), katotohanang sasakanila ang lupit ng Impiyerno at makakamtan nila ang kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy

11Katotohanan! Sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, sasakanila ang Halamanan (ng Kaligayahan) na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso). Ito ang dakilang Tagumpay

12Katotohanan (O Muhammad)! Ang Sakmal (Kaparusahan) ng iyong Panginoon ay matindi

13Katotohanan! Siya ang Lumikha sa pinakasimula, at muling magpapanumbalik dito (sa pagkabuhay sa Araw ng Muling Pagbangon), [o di kaya ay: Siya ang nagpasimula ng Kaparusahan at muling magsasagawa nito sa Kabilang Buhay]

14At Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Tigib ng Pagmamahal (sa mga matimtiman at matapat na sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)

15Ang Panginoon ng Luklukan, ang Puspos ng Kaluwalhatian

16Na gumagawa ng lahat na Kanyang maibigan

17Nakarating na ba sa inyo ang kasaysayan ng mga Hukbo

18Ni Paraon at Tribu ni Thamud

19Hindi! (Magkagayunman), ang mga hindi sumasampalataya ay nanatili sa pagtatakwil (kay Propeta Muhammad at sa Kanyang Mensahe ng Katotohanan, ang Islam)

20Datapuwa’t si Allah ang nakalukob sa kanila mula sa likuran! (alalaong baga, talastas Niyang lahat ang kanilang mga gawa at Siya ang magbibigay ganti sa kanilang mga gawa)

21Walang pagsala! Ito ang Maluwalhating Qur’an

22Na nakatitik sa Al Lauh Al Mahfuz (Napapangalagaang Tableta [Kalatas)

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath