Islam
bumalik

84. Al-Inshiqaaq

1Kung ang langit (alapaap) ay lansag-lansag na mabiyak

2At duminig sa (pag-uutos ng) kanyang Panginoon, at marapat na gumawa (nito)

3At kung ang kalupaan ay unatin at patagin

4Atiluwaniyanglahatangkanyanglamanatmaging hungkag

5At duminig at tumalima sa kanyang Panginoon, at marapat na gumawa (nito)

6O tao! Katotohanang ikaw ay magbabalik patungo sa iyong Panginoon –na kasama ang iyong mga gawa (mabuti man at masama), isang tiyak na pagbabalik, kaya’t iyong matatagpuan (ang bunga ng iyong mga ginawa)

7At siya na bibigyan ng kanyang Talaan sa kanyang kanang kamay

8Katiyakan na tatanggap siya ng magaan na pagbabalik-tanaw

9At siya ay magbabalik sa kanyang pamayanan na lubhang nagagalak

10Datapuwa’t siya na bibigyan ng kanyang Talaan sa kanyang likuran

11walang pagsala! Siya ay maninikluhod sa kanyang pagkawasak

12At siya ay papasok sa Nag-aalimpuyong Apoy upang lasapin ang kanyang lagablab

13Katotohanan! Siya ay namuhay sa kanyang pamayanan na maligaya (at walang pangamba)

14Katotohanang itinuring niya na hindi siya kailanman babalik (sa Amin)

15Hindi! Katotohanan, ang kanyang Panginoon ay lagi nang nagmamasid sa kanya

16Kaya tatawagin (Namin) upang sumaksi ang mapanglaw (na kulay) ng takipsilim

17At ang gabi sa kanyang nananawagang dilim at anumang kanyang tinitipon

18At ang buwan sa kanyang kabilugan

19Katiyakang ikaw ay maglalakbay sa magkakaibang antas (sa buhay sa mundong ito at sa Kabilang Buhay)

20Ano ang nagpapagulo sa kanila at sila ay hindi sumasampalataya

21At kung ang Qur’an ay ipinahahayag sa kanila, sila ay hindi nagpapatirapa (sa kapakumbabaan)

22Bagkus, sa kabalintunaan, ang mga hindi sumasampalataya ay nagtatakwil (dito)

23Datapuwa’t talastas ni Allah ang lahat ng ikinukubli (ng kanilang puso, mabuti man o masama)

24Kaya’t ipahayag sa kanila ang Kasakit-sakit na Kaparusahan

25Maliban sa mga sumasampalataya at gumagawa ng kabutihan, katotohanang tatanggapin nila ang Gantimpala na hindi magmamaliw (Paraiso)

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath