Islam
bumalik

83. Al-Mutaffifin

1Kasawian sa Al-Mutaffifin (sila na gumagawa ng pandaraya, alalaong baga, ang mga nagbibigay ng kulang sa sukat at timbang at nagbabawas sa mga karapatan ng iba)

2Sila na kung tatanggap sa mga tao ng may sukat at timbang ay naghahanap ng ganap na sukat at timbang

3Datapuwa’t kung sila ang magbibigay sa mga tao ng may sukat at timbang ay nagbibigay ng kulang

4Hindi baga nila napag-aakala na sila ay ibabangong muli upang tawagin sa Pagsusulit

5Sa dakilang Araw

6Sa Araw na yaon, ang buong sangkatauhan ay titindig sa harapan ng 946 Panginoon ng lahat ng mga nilalang

7Katotohanan! Ang Talaan (na kinapapalooban ng mga gawa) ng Fujjar (mga tampalasan, makasalanan, walang pananampalataya, mapaggawa ng kamalian) ay nakatago sa Sijjin

8Tunay nga, ano nga ba ang makakapagpahiwatig sa iyo kung ano ang kahulugan ng Sijjin

9Isang nasusulat na Talaan

10Kasawian sa Araw na yaon sa mga nagtatatwa (kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Tagagapagbalita, sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sa Al-Qadar [maka- Diyos na Pagtatakda)

11Sa mga nagtatakwil sa Araw ng Kabayaran

12At walang sinuman ang makakapagtakwil doon maliban sa mga makasalanan na lumalabag ng labis sa hangganan (ng kawalang pananampalataya, pang-aapi at pagsuway kay Allah), mga Makasalanan

13Na kung ang Aming mga Talata (ang Qur’an) ay ipinahahayag sa kanya, siya ay nagsasabi: “ Mga kathang isip lamang ng panahong lumipas!”

14Tunay nga! Ang kanilang puso ay may batik (nababahiran at nalalambungan ng mantsa dahil sa mga kasalanan at masasamang gawa) ng kanilang ginawa

15Katotohanan, sa Araw na yaon, ang Habag ng kanilang Panginoon ay ipagkakait sa kanila (ang mga makasalanan ay malalambungan upang hindi nila mamalas ang kanilang Panginoon)

16Tunay nga! Katotohanang sila ay papasok sa naglalagablab na Apoy ng Impiyerno

17At sa kanila ay ipagbabadya: “Ito ang kaganapan (at katotohanan) ng inyong tinalikdan (at tinalikuran)

18Katotohanan, ang Talaan ng mga matutuwid (at may pangangamba kay Allah at umiiwas sa kasamaan) ay nakatago sa Illiyyun

19Tunay nga, ano nga ba ang kahulugan na ipinapahiwatig ng Illiyyun

20Isang nasusulat na Talaan

21Na rito ay sumasaksi at nagpapatotoo ang mga pinakamalapit (kay Allah, alalaong baga, ang mga anghel)

22Katotohanan, ang mga matutuwid na may pangangamba kay Allah at umiiwas sa kasamaan ay mapapasa- Kaligayahan (sa Paraiso)

23Sa Luklukan (ng karangalan), at napagmamalas nila ang lahat ng bagay

24At mababanaag mo sa kanilang mukha ang kislap ng Kaligayahan

25Ang kanilang pagkauhaw ay papawiin ng purong alak na natatakpan pa ang sisidlan

26At ang huling (tungga) nito (alak) ay katulad ng halimuyak ng musko. At dahil dito, hayaan ang mga nagsisikap na may paghahangad sa kanilang kaligayahan (alalaong baga, ang magmadali sa pagsisigasig sa pagsunod kay Allah)

27At sa (alak) ay idaragdag pa ang sangkap ng Tasnim

28Isang batis, na sa tubig nito ay nagsisiinom ang malalapit kay Allah

29Katotohanan! (Sa panahon ng makamundong buhay) ang mga mapaggawa ng katampalasanan ay lagi nang nanglilibak sa mga nananampalataya

30At kailanman na sila ay dumaraan sa kanila, (sila ay) nagkikindatan sa isa’t isa (bilang panunuya)

31At kung sila ay magbalik na sa kanilang pamayanan, sila ay bumabalik ng may pagsasaya

32At kailanman na kanilang nakikita sila; sila (na hindi sumasampalataya) ay nagsasabi: “Tunay nga! Sila ang mga tao na napaligaw!”

33Datapuwa’t sila (mga hindi sumasampalataya at tampalasan) ay hindi isinugo bilang tagapagbantay sa kanila (mga sumasampalataya)

34Ngunit sa Araw na ito (ang Araw ng Kabayaran), ang mga sumasampalataya ay hahalakhak sa mga hindi sumasampalataya

35Sa luklukan (ng karangalan) ay napagmamalas nila ang lahat ng bagay

36Hindibagaangmgahindisumasampalatayaayginantihan (nang ganap) dahil sa kanilang ginawa

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath