82. Al-Infitaar
1Kung ang kalangitan ay magbitak sa pagkalansag
2At kung ang mga bituin (at buntala) ay mahulog at magsipangalat
3At kung ang karagatan ay sumabog sa pag- agos (at matuyuan ng tubig)
4At kung ang mga libingan ay bumaligtad (upang iluwa ang kanilang laman)
5(Sa gayon), ang bawat tao (kaluluwa) ay makakaalam kung ano ang kanyang ipinadala at (kung ano) ang kanyang iniwan (na masama at mabuti)
6o Tao! Ano ang nagtulak sa iyo upang magwalang bahala sa iyong Panginoon, ang Tigib ng Biyaya
7Na lumikha sa iyo, at humubog sa iyo ng ganap, at nagbigay sa iyo ng angkop na sukat
8Sa anumang anyo na Kanyang naisin, ikaw ay Kanyang inilagay na magkasama (sa katawan, isipan, ispiritwal, atbp)
9Hindi! Datapuwa’t itinatwa ninyo ang Araw ng Kabayaran (gantimpala sa mabubuting gawa at kaparusahan sa masasamang gawa)
10Datapuwa’t katotohanan na may mga anghel na nangangalaga sa inyo (upang magsulit)
11Kiraman Katibin, (mabuti at kapuri-puri [sa Paningin ni Allah]), na nagtatala (ng inyong mga gawa)
12Batid nila ang (lahat) ninyong ginagawa
13Katotohanan, ang Abrar (mga matutuwid at matimtimang tao), sasakanila ang Kaligayahan (sa Paraiso)
14At katotohanan, ang Fujjar (mga tampalasan, walang pananampalataya, makasalanan at mapaggawa ng kabuktutan), sasakanila ang Naglalagablab na Apoy (ng Impiyerno)
15Sila ay magsisipasok dito upang lasapin ang nag-aapoy na ningas sa Araw ng Kabayaran
16At sila (na mga Fujjar) ay hindi mawawala rito (alalaong baga, hindi sila makakatakas sa Impiyerno)
17At ano ang makakapaghantong sa iyo upang maalaman kung ano ang Araw ng Kabayaran
18At muli, ano ang makakapaghantong sa iyo upang maalaman kung ano ang Araw ng Kabayaran
19(Ito ang) Araw na walang sinumang tao (kaluluwa) ang may anumamg kapangyarihan (upang makagawa) ng kahit na ano sa ibang tao (kaluluwa). At sa Araw na ito, tanging kay Allah lamang ang Lubos na Pag-uutos at Pasya
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath