Islam
bumalik

81. At-Takwir

1Kung ang araw (na may lubos at malawak na liwanag) ay tumiklop

2At kung ang mga bituin ay mangalaglag, na said ang kanilang kislap

3At kung ang kabundukan ay maparam sa pagkaguho (sa isang kisap-mata lamang)

4At kung ang mga babaeng kamelyo ay nagpapabaya sa kanyang mga batang anak

5At kung ang mababangis na hayop ay titipunin nang sama-sama (sa pinaninirahanan ng mga tao)

6At kung ang karagatan ay maging isang Naglalagablab na Apoy o umapaw (sa matinding unos)

7At kung ang mga kaluluwa ay muling ibalik sa kani-kanilang katawan

8At kung ang sanggol na babae na inilibing ng buhay (na katulad nang ginawa ng mga paganong Arabo) ay tatanungin

9Sa anong kasalanan siya ay pinatay

10At kung ang Talaan ng mga gawa (mabuti man at masama) ng bawat tao ay ilaladlad

11At kung ang kalangitan (sa kaitaasan) ay itambad (sa pagkabiyak) at mawala sa kanyang kinalalagyan

12At kung ang Impiyerno ay pagningasin ng nag-aalimpuyong apoy

13At kung ang Halamanan (ng Paraiso) ay itambad ng malapit

14At ang bawat tao (kaluluwa) ay makakabatid ng bagay na kanyang ginawa (masama man o mabuti)

15Katotohanang Ako ay sumusumpa sa pamamagitan ng mga buntala na umuurong (alalaong baga, nawawala sa araw at lumilitaw sa gabi)

16At sa pamamagitan ng mga buntala na kumikilos nang mabilis at nagkukubli ng kanilang sarili (lumilitaw at naglalaho)

17At sa pamamagitan ng gabi kung ito ay lumilisan

18At sa pamamagitan ng bukang liwayway kung ito ay lumiliwanag

19Katotohanan! Ito ang Salita (ang Qur’an) na dinala ng karangal-rangal na Tagapagbalita (Gabriel, mula kay Allah patungo kay Propeta Muhammad)

20Na ginawaran ng kapangyarihan, at may mataas na antas (at karangalan) kay Allah, ang Panginoon ng Luklukan

21Na sinusunod (ng mga anghel), at mapagkakatiwalaan doon (sa kalangitan)

22o mga tao! Ang inyong Kasama (Muhammad) ay hindi isang baliw (at hindi inaalihan ng masamang bagay)

23At katotohanang kanyang (Muhammad) napagmalas siya (Gabriel) sa maliwanag na hangganan ng sangkalupaan at kalangitan (tungo sa Silangan)

24At siya (Muhammad) ay hindi nagkikimkin ng kaalaman ng mga Nakalingid na Bagay

25At ito (ang Qur’an) ay hindi salita ng isinumpang si Satanas

26Kung gayon, saan ka patutungo

27Katotohanan ! Ito (ang Qur’an) ay isang ganap na Kapahayagan sa lahat ng mga nilalang

28(Na may kapakinabangan) sa sinuman sa inyo na nagnanais na tumahak nang matuwid

29Datapuwa’t hindi ninyo ito magagawa malibang loobin ni Allah, ang Tagapagtangkilik at Tagapanustos ng lahat ng mga nilalang

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath