Islam
bumalik

80. Abasa

1(Ang Propeta) ay kumunot at lumayo

2Sapagkat may bulag na lalaki na lumapit sa kanya (at nang-aabala, alalaong baga, si Abdullah bin Umm-Maktum, na pumaroon sa Propeta habang siya ay nangangaral sa isa o ilang pinuno ng Quraish)

3Datapuwa’t ano ang makakapagsabi sa iyo na baka sakaling siya ay maging dalisay (sa mga kasalanan at umunladsaispiritwalnapang-unawa)

4osiyaaytumanggap ng pangaral at ang tagubilin ay maging kapakinabangan sa kanya

5At siya na nag-aakala sa kanyang sarili na siya 940 ay may sariling kasapatan (hindi nangangailangan ng anuman)

6Sa kanya, ikaw (o Muhammad) ay nag-uukol ng iyong panahon

7Ito ay hindi mo pananagutan kung siya ay hindi maging dalisay (sa pananalig at makinabang sa ispiritwal na biyaya; ikaw ay isa lamang Tagapagbalita at ang iyong tungkulin ay iparating ang Mensahe ni Allah)

8At sa kanya (Abdullah bin Umm-Maktum) na lumapit sa iyo na may pagsusumamo

9At may pangangamba (kay Allah sa kanyang puso)

10Ikaw sa kanya ay hindi nagbibigay pahalaga (o nag-aasikaso)

11Hindi, (huwag mong gawin ito o Muhammad), katotohanan, ito (ang mga talata ng Qur’an) ay mga pagpapaala-ala at tagubilin

12Kaya’t sinuman ang magnais, hayaan siyang mag-ukol ng panahon dito (sa pag-aala-ala)

13(Ito ay nasa) mga Talaan (na iniingatan sa karangalan, ang Al-Lauh Al-Mahfuz)

14Na mataas (sa karangalan), na nananatiling dalisay at banal

15Sa kamay ng mga tagasulat (mga Anghel)

16Na karangal-rangal at masunurin

17Kasumpa-sumpa ang tao! Ano ang nagtulak sa kanya upang itakwil si Allah

18Sa ano bang bagay siya ay nilikha Namin

19Siya ay nilikha Namin mula sa Nutfah (mga patak ng semilya ng lalaki at babae), at Aming binigyan siya ng ganap na sukat

20At Kanyang ginawa na maging magaan ang daan sa kanya

21At Kanyang kinitlan siya ng buhay, at inilagay siya sa kanyang libingan

22At kung ito ay Kanyang kalooban, siya ay Kanyang bubuhayin (sa Araw ng Muling Pagkabuhay)

23Hindi, datapuwa’t (ang tao) ay hindi tumupad sa ipinag-uutos Niya sa kanya

24Kaya’t hayaan ang tao ay magsaalang-alang ng kanyang pagkain (naAming ipinagkaloob)

25At kung paano Namin ibinuhos ang saganang tubig

26At hinati Namin ang kalupaan (at pinatag)

27At pinapangyari Namin na ang butil ay tumubo rito

28Ang ubas, at pagkaing halaman (sa mga bakahan)

29Ang oliba at punong palmera (datiles)

30At halamanan na makapal (at malago) sa maraming puno

31At mga bungangkahoy at Abba (herba, luntiang damo, atbp)

32(Bilang) ikabubuhay at pagkain sa inyo at sa inyong bakahan

33Hindi maglalaon, at kung sumapit na ang As-Sakhkhah (ang pangalawang pag-ihip ng Tambuli sa Araw ng Muling Pagkabuhay)

34Sa Araw na ang tao ay tatakas sa kanyang sariling kapatid

35At sa kanyang ina at sa kanyang ama

36At sa kanyang asawa at sa kanyang mga anak

37Sa Araw na ito, ang bawat tao ay mababahala lamang sa kanyang sarili at hindi makakapagbigay ng pansin sa iba

38Sa Araw na ito, ang ibang mga mukha ay magniningning na tulad ng bukang liwayway (bilang isang tunay na sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)

39Na humahalakhak at nagsasaya sa magandang balita (ng Paraiso)

40Sa Araw na ito, ang ibang mga mukha ay may bahid ng dumi

41Ang kadiliman ang lalambong sa kanila

42Sila nga ang Kafarah (mga nagtatakwil kay Allah at sa Kanyang Kaisahan at sa Kanyang Tagapagbalita na si Muhammad, atbp.), ang Fajarah (mga mapaggawa ng katampalasanan, buktot, buhong, atbp)

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath