Islam
bumalik

79. An-Naazi'aat

1Sa pamamagitan ng (mga anghel) na bumabatak (sa kaluluwa ng mga walang pananampalataya at tampalasan) ng may matinding dahas

2Sa pamamagitan ng (mga anghel) na mabanayad na kumukuha (ng kaluluwa ng mga sumasampalataya at mapapalad)

3At sa pamamagitan ng (mga anghel) na bumababa sa kalangitan na may dalang pag-uutos ng kanilang Panginoon (o ang mga lumilipad [na mga anghel] o lumalangoy [na mga planeta] sa kanilang daan o landas

4At sa pamamagitan nila na nagpapatuloy na nangunguna na katulad ng isang karera (alalaong baga, ang mga anghel, o mga bituin o mga kabayo, atbp)

5At sa pamamagitan ng mga anghel na nagsasaayos upang gawin ang Pag-uutos ng kanilang Panginoon, (kaya’t katunayang kayo na hindi sumasampalataya ay tatawagin upang magsulit)

6Sa Araw na (kung ang unang Pag-ihip ng Tambuli ay gawin), ang kalupaan at kabundukan ay mayayanig nang marahas (at ang lahat ay mamamatay)

7Na susundan ng pangalawang Pag-ihip ng Tambuli (at ang lahat ay ibabangon)

8Sa Araw na ito, ang (ibang) mga puso ay magsisitibok sa pangamba at hapis

9Na ang kanilang mga mata ay nakatuon sa lupa

10Sa gayon , sila ay magtuturing: “Ano! Kami baga ay katotohanang ibabalik (na muli) sa aming dating anyo ng buhay

11Ano? Kahit kami ay lansag- lansag na mga buto na?”

12Sila ay magsasabi: “Ito, sa gayong pangyayari, ay isang pagbabalik na walang pakinabang!”

13Datapuwa’t katotohanang ito ay isang Hiyaw lamang (o isang Pag-ihip)

14At pagmasdan! Natagpuan nila ang kanilang sarili sa ibabaw ng lupa na buhay matapos ang kanilang kamatayan

15Narinig na ba ninyo ang kasaysayan ni Moises

16Nang siya ay tawagin ng kanyang Panginoon sa banal na Lambak ng Tuwa

17(Na nagsasabi): “Pumaroon ka kay Paraon. Katotohanang siya ay nagmalabis sa pagsuway at paglabag (sakanyangmgakasalanan, kawalanngpananalig, pagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.).”

18At iyong sabihin (sa kanya): “Nais mo bang dalisayin ang iyong sarili (sa kasalanan ng kawalang pananalig, sa pagiging isang mananampalataya)

19At upang mapatnubayan kita sa iyong Panginoon, at ikaw ay magkaroon ng pagkatakot sa Kanya?”

20At ipinamalas ni Moises sa kanya ang dakilang Tanda (mga himala)

21Datapuwa’t si Paraon ay nagtakwil dito at sumuway

22At siya ay tumalikod na labis na tumututol (laban kay Allah)

23At kanyang tinipon ang kanyang tao (at mga sundalo) at sumigaw ng malakas

24Na nagsasabi: “ Ako ang inyong panginoon, ang kataas-taasan.”

25Datapuwa’t sinakmal siya ni Allah ng kaparusahan, (at ginawa siya) na isang halimbawa, sa Kabilang Buhay , at sa buhay na ito

26Katotohanang naririto ang isang nagtuturong tagubilin (at aral) sa sinumang may pagkatakot kay Allah

27Ano? Kayo baga ay higit na mahirap likhain kaysa sa kalangitan na Kanyang itinatag

28Sa kaitaasan ay Kanyang itinaas ang kulandong nito at Kanyang ginawaran yaon nang kaayusan at pagiging ganap

29Ang kanyang gabi ay nilukuban Niya ng kadiliman, at ang kanyang katanghalian ay ginawaran Niya ng liwanag

30At matapos ito, ay inilatag Niya ang kalupaan nang malawak

31At nagpasibol Siya mula rito ng kanyang tubig at kanyang pastulan (na luntiang halaman)

32At ang kabundukan ay itinindig Niya nang matatag

33Bilang kapakinabangan sa inyo at sa inyong bakahan (at hayupan)

34Datapuwa’t kung dumatal na ang dakilang kapinsalaan (alalaong baga, ang Araw ng Kabayaran, atbp)

35Sa Araw na ang tao ay makakaala-ala ng lahat ng kanyang pinagsumikapan (pinagdaanang mga gawa)

36At ang Apoy ng Impiyernoayganapnamatatambadngmalapitsa(bawat) isa na nakakamasid

37At sa kanya na nag-Tagha (lumabag at sumuway sa lahat ng hangganan na itinakda ni Allah, kawalan ng paniniwala, pang-aapi, kasamaan, atbp)

38At minahalaga ang buhay sa mundong ito (sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang masamang hangarin at mga pagnanasa)

39Katotohanan! Ang kanyang pananahanan ay Apoy ng Impiyerno

40Datapuwa’t siya na may pagkatakot sa kanyang pagharap (sa pagsusulit) sa kanyang Panginoon, at nagtimpi ng kanyang sarili sa marumi at maitim na hangarin at pagnanasa

41Katotohanan! Ang kanilang pananahanan ay Halamanan (ng Paraiso)

42Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) tungkol sa oras? Kailan kaya ang kanyang takdang panahon

43Ikaw ay walang Kaalaman na magpahayag ng anuman (tungkol) dito

44Nasa iyong Panginoon lamang (ang Kaalaman) ng Takdang Araw

45At ikaw (o Muhammad) ay isa lamang Tagapagbabala sa mga may pangangamba rito

46Sa Araw na ito ay kanilang mapagmamalas, (wari) bang sila ay umidlip lamang ng isang gabi sa mundong ito, (o ang pinakamatagal) ay hanggang sa pagdatal ng umaga

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath