Islam
bumalik

78. An-Naba

1Ano baga ang kanilang pinagtatalunan (sa isa’t isa)

2Tungkol ba sa Malaking Balita (alalaong baga, ang Islam, Kaisahan ni Allah, ang Qur’an na dinala ni Propeta Muhammad, ang Araw ng Muling Pagkabuhay, atbp)

3Na dahil dito, sila ay hindi nagkakasundo

4Katotohanan! 934 Hindi magtatagal at kanilang mapag-aalaman

5Katotohanan! Katotohanan! Hindi magtatagal at kanilang mapag-aalaman

6Hindi baga ginawa Namin ang kalupaan na malawak (bilang himlayan)

7At ang kabundukan bilang pampatatag (na may ugat)

8At Aming nilikha kayo sa pares (lalaki at babae, mataas at mababa, mabuti at masama, atbp)

9At Aming ginawaran kayo ng pagtulog (o antok upang maidlip), sa inyong pamamahinga

10At ginawa Namin ang gabi bilang pantakip (sa pamamagitan ng kanyang kadiliman)

11At ginawa Namin ang araw (maghapon) tungo sa inyong ikabubuhay

12At itinatag Namin sa itaas ninyo ang pitong matatatag (na kalangitan)

13At ginawaran Namin yaon ng Marilag na Liwanag (sikat ng araw)

14At nagpamalisbis Kami ng saganang ulan mula sa kimpal ng mga ulap

15Upang mapatubo Namin dito (sa pag-aani) ang mga butil at mga gulayan

16At mga halamang mayabong at luntian

17Katotohanan! Ang Araw ng Pagpapasya (sa katarungan) ay natatakdaang panahon

18Sa Araw na ang Tambuli ay hihipan at kayo ay magsisiparito ng langkay-langkay (at sa maraming pangkat)

19At ang kalangitan ay bubuksan na waring mga pintuan

20At ang kabundukan ay maglalaho sa kanilang kinatatayuan na tulad ng isang malikmata

21Katotohanan! Ang Impiyerno ay matutulad (sa isang pook) ng pagtambang

22Bilang isang Tahanan sa Taghun (sila na lumalabag at sumusuway sa hangganan na itinakda ni Allah, katulad ng mga mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam, mga mapagkunwari, mga makasalanan, mga kriminal, atbp)

23Magsisipanatili sila rito sa mahabang panahon

24dito ay wala silang malalasap na lamig (at ginhawa), ni anumang inumin (na pampasigla)

25Maliban sa kumukulong tubig at maruming katas ng sugat (nana, dugo, atbp)

26Na siyang katumbas na kabayaran (ayon sa kanilang kabuktutan)

27Sapagkat katotohanang sila ay hindi nagbigay pahalaga ( at nangamba) tungo sa (araw) ng pagsusulit (ng kanilang mga gawa)

28At ganap nilang itinuring na walang katotohanan ang Aming Ayat (kapahayagan, tanda, katibayan, aral, atbp)

29At ang lahat ng bagay ay Aming itinala sa napapangalagaang Aklat

30Kaya’t lasapin ninyo ang bunga (na inani) ng inyong masasamang gawa, at kayo ay hindi Namin bibigyan ng anuman maliban sa Kaparusahan

31Katotohanan! Sa Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao na sumusunod sa lahat ng ipinag-uutos ni Allah at umiiwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal) ay tagumpay, at katuparan ng kanilang inaasam (Paraiso)

32Na napapalibutan ng Halamanan at malinamnam na ubasan

33At mga birheng dalaga na magkakatulad sa gulang

34At ng tigib na Kopita (ng alak)

35dito ay wala silang maririnig na hinagpis o kasinungalingan (sa pag- uusap)

36Isang kabayaran mula sa inyong Panginoon, isang Biyayang sagana

37Mula sa Panginoon ng kalangitan at kalupaan at anumang nasa pagitan nito, ang diyos na Lubos na Mapagbigay ng biyaya, at walang sinuman (ang may kapamahalaan) na makakasalansang sa Kanya (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), malibang Kanyang pahintulutan

38SaAraw na ang ruh (si Gabriel o ibangAnghel) at iba pang anghel ay nakatindig (nang tuwid at maayos) sa mga hanay, at hindi makakapangusap malibang pahintulutan siya ng Lubos na Mapagbigay (Allah), at kanyang ipagsasaysay kung ano ang matuwid

39Ito ang Araw ng Katotohanan na walang alinlangan, kaya’t sinuman ang magnais, hayaang tahakin niya ang Pagbabalik, sa tuwid na landas ng kanyang Panginoon (sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya sa buhay sa mundong ito)

40Katotohanang Aming pinaaalalahanan kayo ng daratal na Kaparusahan. Sa Araw na ang tao ay makakapagmalas (sa gawa) ng kanyang kamay kung saan siya inihantong. Ang mga hindi sumasampalataya ay magsasabi: “ Kasawian sa akin! Sana ay naging alabok na lamang ako!”

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath