77. Al-Mursalaat
1Sa pamamagitan ng hangin (o mga anghel o mga Tagapagbalita ni Allah), na isinugo nang magkakasunod (sa kapakinabangan ng tao)
2At sa pamamagitan ng hangin na marahas na umiihip
3At sa pamamagitan ng hangin na nagsisipangalat ng mga ulap at ulan (na malayo at malawak)
4At sa pamamagitan ng mga Talata (ng Qur’an) na nagbubukod (sa wasto at mali)
5At sa pamamagitan ng mga anghel na nagdadala ng mga kapahayagan sa mga Tagapagbalita
6Upang maputol ang lahat ng mga dahilan (at pag-iwas) at upang magbabala
7Katotohanan! Ang ipinangako sa inyo ay walang pagsalang daratal
8At kung ang mga bituin ay mawalan ng liwanag
9At kung ang kalangitan ay mahati (at mapunit)
10At kung ang kabundukan ay malansag ng hangin at maging alabok
11At kung ang lahat ng mga Tagapagbalita ay tipunin sa takdang oras
12Sa ano bang Araw ang mga Palatandaang ito ay ibinimbin
13Sa Araw ng Pagbubukod-bukod (sa mga tao na nakatalaga sa Paraiso at sa mga tao na nakatalaga sa Impiyerno)
14Ano nga ba ang magpapaliwanag sa iyo kung ano ang Araw ng Pagbubukod-bukod
15Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
16Hindi baga Namin winasak ang mga tao nang panahong sinauna (dahilan sa kanilang kasamaan)
17At hahayaan ba Namin na ang mga nahuhuling lahi ay matulad sa kanila
18Kaya’t sa ganito Namin pinakikitunguhan ang Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus- diyosan, kriminal, atbp)
19Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
20Hindi baga kayo ay nilikha Namin mula sa katas na walang halaga (walang saysay)
21At inilagay Namin ito sa ligtas na sisidlan (ng pagkabuhay sa sinapupunan ng ina)
22Sa natatakdaang panahon (ng paglaki ayon sa bilang ng buwan ng pagbubuntis)
23At Kami ang nag-ayos ng ganap na sukat. At Kami ang ganap na sakdal sa pagsasaayos (at pagsukat)
24Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
25Hindi baga Namin nilikha ang kalupaan bilang lugar ng pagtitipon (at himlayan)
26Na kapwa para sa (mga) buhay at patay
27At nagtatag dito ng kabundukan na mataas at matibay at naggawad sa inyo (mula sa kalupaan) ng malinamnam na tubig
28Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
29(Atsakanilanahindisumasampalatayaayipagbabadya): “Magsiparoon kayo (sa kaparusahan) na inyong itinatatwa
30Magsiparoon kayo sa Lilim ( ng tumataas na usok ng Impiyerno) sa tatlong hanay
31(Na hindi makakapagbigay) sa inyo ng lilim ng kaginhawahan, gayundin ng pananggalang sa Naglalagablab na Apoy.”
32Katotohanan! Ito (Impiyerno) ay naghahagis ng tilamsik (ng apoy) na (kasinglaki) ng Al Qasr (malaking pintuan o mahabang troso ng palasyo)
33Na wari bang Jimalatun Sufr (pangkat ng kamelyong dilaw na pumapadyak nang mabilis).”
34Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
35Ito ang Araw na hindi nila magagawang mangusap
36At sila ay hindi bibigyan (ng pagkakataon) upang dinggin ang kanilang pagsusumamo
37Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
38Ito ang Araw ng Kapasiyahan (sa katarungan)! Kayo ay Aming titipunin nang sama-sama, gayundin ang inyong mga ninuno
39Ngayon, kung kayo ay may pakana (balak), inyong gamitin ito laban sa Akin
40Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
41At katotohanang sa Muttaqun (mga matutuwid na tao na gumagawa ng lahat ng mga ipinag-uutos ni Allah at may pangangamba sa Kanya, at umiiwas sa lahat ng mga ipinagbabawal ni Allah), sila ay mananahan sa gitna (ng lamig) ng mga lilim at mga bukal (ng tubig)
42At mga hitik na bungangkahoy, lahat ng inyong maiibigan
43(At sa kanila ay ipagbabadya): “Halina kayo na mapapalad, kayo ay magsikain at uminom bilang kabayaran sa inyong pinagsumikapan (na kabutihan).”
44Katotohanang sa ganito Namin ginagantihan (ng biyaya) ang Muhsinun (mga matutuwid na tao na mapaggawa ng kabutihan)
45Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
46(o kayong hindi sumasampalataya)! Magsikain kayo at magpakaligaya sa inyong sarili sa ilang sandali (sa buhay sa mundong ito). Katotohanang kayo ay Mujrimun (mga makasalanan, mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig, kriminal, atbp)
47Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
48At kung sa kanila ay ipinagtuturing: “Magpatirapa kayo (sa pananalangin)!” Sila ay hindi nagpapatirapa (sa pag-aalay ng kanilang mga dasal)
49Ah! Kasawian (ang sasapit) sa Araw na ito sa mga nagtatakwil sa katotohanan (ng Araw ng Muling Pagkabuhay)
50Sa gayon, sa ano pa kayang Pahayag (ang Qur’an), ang kanilang pananampalatayanan pagkaraan nito
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath