75. Al-Qiyaama
1Ako ay sumasaksi sa pamamagitan ng Araw ng Muling Pagkabuhay
2At Ako ay sumasaksi sa pamamagitan ng tao na nagsisi sa kanyang sarili (isang sumasampalataya)
3Napag-aakala ba ng tao (na walang pananampalataya) na hindi Namin muling maisasaayos ang kanyang mga buto
4Katotohanan! Muli Naming maibabalik nang ganap at maayos (ang kanyang mga buto) maging ang dulo ng kanyang daliri
5Hindi! Ang tao ay nagtatatwa ng Muling Pagkabuhay at Pagsusulit. Kaya’t siya ay nagnanais na magpatuloy sa kanyang kasamaan
6Siya ay nag-uusisa: “Kailan baga matutupad ang Araw ng Muling Pagkabuhay?”
7At sa katagalan, kung ang paningin ay masilaw
8At ang buwan ay lagumin ng kadiliman
9At ang araw at buwan ay pagsamahin (sa pamamagitan ng paglapit sa isa’t isa o ang matiklop at mawalan ng kanilang liwanag, atbp)
10Sa Araw na ito, ang tao ay magsasabi: “Saan ako tatalilis (na may kaligtasan)
11Hindi, sa anumang kaparaanan! Walang matatakbuhan (sa kaligtasan)
12Tanging sa harap ng inyong Panginoon lamang ang lugar ng kapahingahan sa Araw na ito
13Sa Araw na ito, ang tao ay pagsasabihan ng lahat ng kanyang inilagay sa harapan (ang kanyang mabubuti at masasamang gawa), at lahat ng kanyang naiwan (na mabuti at masama)
14Katotohanan! Ang tao ang saksi ( at katibayan) laban sa kanyang sarili (sapagkat ang mga bahagi ng kanyang katawan ang magsasalita hinggil sa kanyang mga ginawa)
15Kahima’t magsulit siya ng dahilan at umiwas (upang pagtakpan ang kanyang masasamang gawa)
16Huwag mong pagalawin ang iyong dila (O Muhammad) tungkol sa Qur’an upang magmadali rito
17Kami (Allah) ang may kapamahalaan na magtipon at dumalit (ng Qur’an)
18At matapos na ito ay Aming dalitin sa iyo (o Muhammad, sa pamamagitan ni Gabriel), kung gayon, iyong sundin ang pagbigkas (ng Qur’an)
19Katotohanan! Kami (Allah) ang may kapamahalaan na ito ay maging maliwanag sa inyo
20Hindi (ng ayon sa inyong iniisip na kayo [sangkatauhan] ay hindi ibabangong muli at babayaran sa inyong mga gawa), datapuwa’t tunay nga na higit ninyong minahal ang panandaliang buhay na ito
21At nagwawalang bahala kayo sa Kabilang Buhay
22Sa Araw na ito, ang ibang mukha ay magniningning sa kislap at kagandahan
23Na nagmamalas sa kanilang Panginoon (Allah)
24At sa Araw na ito, ang ibang mukha ay kakikitaan ng lumbay, hapis, pagkunot (ng noo), dilim at kalungkutan
25Na nag-aakala na ang ilang kapahamakan at kapinsalaan ay sasapit na sa kanila
26Katotohanan! Kungang kaluluwa ay umabotna sa buto ng kuwelyo (alalaong baga, hanggang sa lalamunan sa kanyang paglabas sa sandali ng kamatayan)
27At may magsasabi: “Sino ang makakapagpagaling sa kanya at makakapagligtas sa kanya sa kamatayan
28At siya na rin (ang mamamatay na tao) ang makakatalos na ito na (ang sandali) ng paglisan (kamatayan)
29At ang binti ay idurugtong sa ibang binti (alalaong baga, ang sakit at hirap ay idurugtong sa ibayong sakit at hirap)
30Sa Araw na ito, ang pagtataboy ay sa iyong Panginoon
31Sapagkat siya (na hindi sumasampalataya) ay hindi sumampalataya (sa Qur’an at sa Mensahe ni Muhammad), o nagdasal kaya
32At sa kabalintunaan, siya ay nagpabulaan (sa Qur’an at sa Mensahe ni Muhammad), at tumalikod
33At siya ay pumaroon sa kanyang pamilya na batbat ng kapalaluan na humahanga sa kanyang sarili
34Kasawian sa iyo (o tao na walang pananampalataya)! Tunay nga (o tao na walang pananampalataya), kasawian sa iyo
35Minsan pa, kasawian sa iyo (o tao na walang pananampalataya) at muli, kasawian sa iyo (o tao na walang pananampalataya)
36Inaakala ba ng tao na siya ay hahayaan (at kakalimutan na hindi napaparusahan o nagagantimpalaan sa kanyang mga takdang katungkulan na itinagubilin sa kanya ng kanyang Panginoon [Allah)
37Hindi baga siya ay isa lamang Nutfah (magkahalong katas ng semilya ng lalaki at babae) na ibinuhos (sa mababang anyo)
38At siya ay naging Alaqa (namuo sa paglaki); at binigyan siya ni Allah ng hugis at anyo sa ganap na sukat
39At mula sa kanya ay lumikha Siya ng dalawang kasarian, lalaki at babae
40Hindi baga Siya na lumalang (sa kanya) ay makakapagpanumbalik ng buhay ng patay? (Katotohanang Siya ay makakagawa ng lahat ng bagay)
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath