Islam
bumalik

73. Al-Muzzammil

1o ikaw na nababalutan ng kasuotan (alalaong baga, si Propeta Muhammad)

2Tumindig ka (sa pananalangin) sa buong magdamag, maliban sa kaunting oras lamang

3Sa kalahati nito (ng magdamag), o kulang pa rito

4o humigit pa rito; at iyong dalitin ang Qur’an (nang malakas) sa marahan at matimyas na pagbigkas

5Katotohanan na Aming ipapanaog sa iyo ang isang mayamang Pahayag (at Tagubilin sa mga batas, katungkulan, atbp)

6Katotohanan, ang iyong pagbangon sa gabi (Tahajjud na panalangin) ay siyang oras na napakahirap (datapuwa’t) mabisa at mainam sa pamamatnubay ng (iyong kaluluwa), at pinakaangkop sa (pang-unawa) sa Salita (ni Allah)

7Katotohanang nasa iyo sa maghapon (sa liwanag ng araw) ang paghanap ng iyong ikabubuhay at pagganap sa mga pangkaraniwang gawain

8At lagi mong alalahanin ang Pangalan ng iyong Panginoon at ibuhos mo ang iyong pansin sa Kanya nang ganap at taimtim

9Tanging Siya 918 (lamang) ang Panginoon ng Silangan at Kanluran. La ilaha illa Allah (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag- ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Kaya’t panaligan mo lamang Siya bilang iyong wakil (tagapamahala ng iyong kapakanan)

10At maging matiyaga (o Muhammad) sa kanila (na hindi sumasampalataya) sa kanilang sinasabi, at lumayokasakanilasamabutingparaan

11Atiyonghayaanna Ako (ang tanging) makitungo sa mga bulaan (na nagtatatwa ng Aking mga Talata, atbp.), at sila na naghahawak ng mga mabubuting bagay sa buhay. At iyong bigyan sila ng palugit sa maigsing panahon

12Katotohanan! Nasa Amin ang mga panggapos (na magtatali sa kanila) at Nag-aalimpuyong Apoy (na tutupok sa kanila)

13At pagkain na babalalak sa kanilang lalamunan (na nakakabunsol) at Kasakit-sakit na Kaparusahan

14Sa Araw na ang kalupaan at kabundukan ay mayayanig nang matindi, at ang kabundukan ay magiging pinong tumpok ng buhangin na bumubuhos at umaagos nang pababa

15Katotohanan! Kami ay nagsugo sa inyo (O mga tao) ng isang Tagapagbalita (Muhammad) na magiging saksi sa harapan ninyo, kung paano Kami nagsugo ng isang Tagapagbalita (Moises) kay Paraon

16Datapuwa’t si Paraon ay sumuway sa Aming Tagapagbalita (Moises), kaya’t Aming sinakmal siya ng matinding kaparusahan

17Kaya’t paano ninyo iiwasan ang kaparusahan kung kayo ay walang paniniwala (kay Allah), sa Araw na ang mga bata ay magiging lanta (sa kulay na pilak ng kanilang buhok) sa (Araw ng Muling Pagkabuhay)

18Na roon ang kalangitan ay mawawarak? Ang Kanyang pangako ay katiyakang matutupad

19Katotohanan! Ito ay isang Paala-ala (at Tagubilin). Kaya’t sinuman ang magnais, hayaan siyang tumahak sa tuwid na landas patungo sa kanyang Panginoon

20Katotohanan! Ang iyong Panginoon ay nakakabatid na ikaw ay nagpupuyat sa pananalangin (sa kahabaan ng gabi), ng maigsi sa dalawang katlo (2/3) ng gabi, o kalahati (1/2) ng gabi, o isang katlo (1/3) ng gabi, gayundin naman ang isang pangkat na iyong kasama-sama. At si Allah ang nagtalaga (sa inyo) ng Gabi at Araw sa ganap na sukat. Talastas Niya na ikaw ay hindi makakapanalangin sa buong magdamag, kaya’t Siya ay naggawad sa iyo ng Kanyang Habag. Kaya’t iyong ipagsaysay ang Qur’an sa iyong makakaya, sa paraan na magaan sa iyo. Talastas Niya na mayroong ilan sa inyo ang may sakit, at ang iba naman ay naglalakbay sa kalupaan sa paghahanap ng (saganang) Biyaya ni Allah, at ang iba ay nakikipaglaban tungo sa Kapakanan ni Allah. Kaya’t iyong ipagsaysay ang Qur’an sa iyong makakaya, sa paraang magaan sa iyo, at ikaw ay mag-alay ng pang-araw-araw na panalangin (Iqamat-as-Salah) nang mahinusay, at magbigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at magpautang kay Allah ng isang Magandang Pautang (alalaong baga, gumugol sa Kapakanan ni Allah). At anumang mabuting bagay ang inyong ipinadala patungkol sa inyong kaluluwa (mga gawa ng pagsamba tulad ng pagdarasal, kawanggawa, pag-aayuno, Hajj, Umra, atbp.) ay katiyakang matatagpuan ninyo ito sa harapan ni Allah. Katotohanan! Ito ay mainam at sagana sa kabayaran ng gantimpala. At inyong paghanapin ang Biyaya (at Pagpapatawad) ni Allah. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Lubos na Mahabagin. 920 siyA nA nABABAlutAn

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath