72. Al-Jinn
1Ipagbadya ( o Muhammad): “Ipinahayag sa akin na ang isang pangkat ng Jinn (na may bilang mula tatlo hanggang sampu) ay nakinig (sa Qur’an).” Sila ay nagsasabi: “Katotohanang aming napakinggan ang isang Maindayog at Kamangha-manghang Pagbigkas (sa Quran)!”
2Na namamatnubay sa Tuwid na Landas (katuwiran at kagalingan), at kami ay sumampalataya rito at hindi kailanman kami ay magtatambal ng anuman (sa pagsamba) sa aming Panginoon (Allah)
3At ganap na Kaluwalhatian ang Kataasan ng aming Panginoon. Siya (Allah) ay hindi nag-angkin sa Kanyang sarili ng asawa o ng anak (o mga supling o mga anak)
4At ang mga luku- luko (at baliw) sa lipon namin (alalaong baga, si Iblis o ang mga Jinn na mapagsamba sa mga diyus-diyosan) ay nagpapahayag ng kasinungalingan laban kay Allah na hindi nararapat
5Katotohanan! Ang sangkatauhan at mga Jinn ay hindi marapat na magturing ng kasinungalingan laban kay Allah
6At katotohanan na may mga tao sa lipon ng sangkatauhan ang nananahan sa matitipunong mga tao sa gitna ng mga Jinn, datapuwa’t sila (Jinn) ay lalong naglulong (sa sangkatauhan) sa kasalanan at kawalan ng pananalig
7At katotohanang sila ay nag-akala na katulad ng inyong pag-aakala na si Allah ay hindi magsusugo ng sinumang tagapagbalita (sa sangkatauhan at sa Jinn)
8At ang mga Jinn ay nagsabi: “At kami ay sumilip (sa mga lihim) ng kalangitan, datapuwa’t aming natagpuan na tigib ito ng mga mahihigpit na tagapagbantay at naglalagablab na apoy.”
9At katotohanang kami ay lagi nang nakaupo roon (sa nakukubling lugar) upang (makaulinig) ng mapapakinggan, datapuwa’t sinuman ang nakikinig ngayon ay makakatagpo ng isang naglalagablab na apoy na naghihintay sa kanya upang tambangan
10At hindi namin napag-uunawa kung ang kasamaan (o panganib) ay nakalaan sa lahat ng nasa kalupaan, o kung ang kanilang Panginoon ay nagnanais na sila ay patnubayan sa Tuwid na Landas
11At sa karamihan namin ay mayroong ilan na matutuwid (sa asal) at ang ilan ay malayo sa (matutuwid na asal). Kami ay mga pangkatin na sumusunod sa magkakahiwalay na landas (iba’t ibang sekta ng pananampalataya, atbp)
12At nababatid namin na kami ay hindi makakatakas sa (kaparusahan) ni Allah dito sa kalupaan, at hindi rin kami makakawala (sa kaparusahan) sa pamamagitan ng pagtakas
13At katotohanan na aming napakinggan ang Pahayag (Qur’an), kami ay nagsisampalataya rito (sa Kaisahan ni Allah), at sinuman ang manampalataya sa kanyang Panginoon ay walang ipangangamba maging ito man ay sa pagkabawas ng gantimpala sa kanyang mabubuting gawa o sa dagdag na kaparusahan sa kanyang mga kasalanan. ** Mga nilikha ni Allah na hindi natin nakikita, subalit katulad din ng mga tao ay may pananagutan sa kanilang gawa, may kalayaan sila na gumawa ng mabuti at masama, ang sumunod o sumuway kay Allah at sa Kanyang kautusan, at sa kanila ay may paghuhukom din na darating at may kabayaran ng gantimpala o kaparusahan ayon sa kanilang ginawa
14At ang ilan sa karamihan namin ay mga Muslim (na nagsuko ng kanilang kalooban kay Allah matapos na makinig sa Qur’an), at may mga ilan sa karamihan namin ay Al-Qasitun (mga walang pananalig at lumihis sa Tuwid na Landas). At sinuman ang magsuko ng kanyang kalooban kay Allah (alalaong baga, ang yumakap sa Islam), katotohanang sila ay nagkamit ng Tuwid na Landas (sa mabuting asal)
15At sa Qasitun (mga walang pananalig at katarungan na lumihis sa Tuwid na Landas), sila ang magiging panggatong (sa Apoy) ng Impiyerno
16At kung sila (na sumasamba sa diyus-diyosan, hindi mga Muslim) ay sumampalataya kay Allah at namalagi lamang sa Tuwid na Landas (Islam), katotohanang Kami ay magkakaloob sa kanila ng saganang ulan
17Upang sila ay Aming masubukan sa gayong paraan. Datapuwa’t sinuman ang tumalikod sa Paala-ala ng kanyang Panginoon (alalaong baga, sa Qur’an at hindi nagsagawa sa mga batas at pag-uutos nito), ay igagawad Niya sa kanya ang pumasok sa Matinding Kaparusahan (Impiyerno)
18At ang mga Moske o lugar ng pagpapatirapa (sa pagsamba) ay tanging kay Allah (lamang), kaya’t huwag manalangin sa sinuman (bilang kahati) ni Allah
19(Ipinahayag sa akin) nang ang alipin ni Allah (Muhammad) ay tumindig sa paninikluhod (sa kanyang Panginoon, kay Allah) sa pananalangin, sila (na mga Jinn) ay pumalibot sa kanya sa makapal na lipon na wari bang sila ay dikit-dikit sa isa’t isa (upang sila ay makinig sa pagdalit ng Propeta)
20Ipagbadya ( o Muhammad): “Ako ay nananalangin lamang sa aking Panginoon (kay Allah lamang), at ako ay hindi nagtatambal sa Kanya ng iba pang huwad na diyos.”
21Ipagbadya: “Katotohanang ako ay walang kapamahalaan upang ilagay kayo sa kapahamakan, o dalhin kayo sa Tuwid na Landas.”
22(Ipagbadya O Muhammad): “Katotohanang walang makakapagligtas sa akin sa kaparusahan ni Allah (kung ako ay susuway sa kanya), gayundin, ako ay hindi makakatagpo ng kaligtasan maliban sa Kanya.”
23(Ang aking tungkulin ) ay iparating sa inyo (ang Katotohanan) na mula kay Allah at sa Kanyang Kapahayagan (Kaisahan ni Allah), at sinumang sumuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, kung gayon, katotohanang sasakanya ang Apoy ng Impiyerno, mananahan siya rito magpakailanman
24Hanggang sa sumapit ang Araw na itatambad (sa harap ng kanilang mga mata) ang bagay na sa kanila ay ipinangako (na kanilang pinag-aalinlanganan), ay mapag- aalaman nila kung sino ang mahina (sa kanyang) kapanalig (kawaksi) at walang halaga sa (karamihan) ng bilang
25Ipagbadya ( O Muhammad ): “Hindi ko nababatid kung ang kaparusahan na ipinangako sa inyo ay nalalapit na, o kung ang Panginoon ay magtatakda roon sa matagal pang panahon.”
26Siya lamang ang lubos na nakakatalastas ng Al-Ghaib (mga nakalingid at Kabilang Buhay) at hindi Niya ipinahahayag sa kaninuman ang Kanyang Ghaib (lihim at nakalingid)
27Maliban sa isang Tagapagbalita (sa sangkatauhan) na Kanyang hinirang (Siya ay nagpapahayag sa kanya sa Kanyang nais), at nagtalaga Siya ng pangkat ng tagapagbantay (mga anghel) upang manguna sa kanyang harapan at kanyang likuran
28Siya [Allah] ang nangangalaga sa kanila [mga Tagapagbalita]), hanggang sa Kanyang mamalas na katotohanang ipinahayag nila (mga Tagapagbalita) ang Kapahayagan (Tagubilin) ng kanilang Panginoon. At Kanyang nilulukuban ang lahat ng nasa kanilang (paghahawak), at Siya ang naghahawak sa pagsusulit ng lahat ng bagay (alalaong baga, lubos Niyang batid ang ganap na bilang ng bawat bagay). siyA nA nABABAlutAn ng kAsuutAn
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath