71. Nooh
1Katotohanang Aming isinugo si Noe sa kanyang pamayanan na may tagubilin: “Iyong bigyang babala ang iyong pamayanan bago dumatal sa kanila ang Kasakit- sakit na Kaparusahan”
2Siya (Noe) ay nagbadya: “o aking pamayanan! Katotohanang ako ay isang lantad na Tagapagbabala sa inyo
3(Na nagtatagubilin) na marapat ninyong sambahin si Allah (lamang), at maging masunurin sa inyong tungkulin sa Kanya at ako ay inyong sundin
4Upang mapatawad Niya (Allah) ang inyong mga kasalanan at bigyan kayo ng sapat na panahon (palugit) na natatakdaan. Katotohanan, kung ang Takdang Oras ni Allah ay dumatal, ito ay hindi maaaring antalahin kung inyo lamang nababatid.”
5(Si Noe) ay nagbadya: o aking Panginoon! Katotohanang aking tinawagan ang aking pamayanan sa gabi at araw (alalaong baga, sa lingid at lantad upang tanggapin ang doktrina ng Kaisahan ni Allah)
6Datapuwa’t ang aking panawagan sa kanila ay higit lamang na nakadagdag sa kanilang pagnanais na mapalayo (sa Tuwid na Landas)
7At katotohanan! Sa bawat sandali na sila ay aking pinagtatagubilinan upang sila ay Inyong mapatawad, ay tinatakpan nila ang kanilang mga tainga ng kanilang daliri, at tinatakpan nila ang kanilang sarili ng kanilang kasuotan, at nagpapatuloy sila (sa kanilang Propeta Noe 911 pagtutol) at pinag-iibayo nila ang kanilang kapalaluan
8At katotohanang ako ay nananawagan sa kanila nang hayagan (sa malakas na tinig)
9At katotohanang ako ay nagpahayag sa kanila sa karamihan at ako ay nagsumamo sa kanila sa pribado (tagong pag-uusap)
10Na nagsasabi: “Humingi kayo ng kapatawaran mula sa inyong Panginoon; katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad
11Kayo ay pagkakalooban Niya ng saganang ulan
12At kayo ay gagawaran Niya ng higit pang kayamanan at mga anak, at ipagkakaloob Niya sa inyo ang halamanan at gayundin ng mga batis (na may tubig na nagsisidaloy).”
13Ano ang nagpapagulo sa inyo at hindi ninyo pinangangambahan si Allah (sa Kanyang kaparusahan), at kayo ay hindi umaasam ng gantimpala mula kay Allah o kayo ay hindi sumasampalataya sa Kanyang Kaisahan
14Samantalang kayo ay nilikha Niya sa (iba’t ibang) antas (alalaong baga, ang una ay Nutfah, sumunod ay Alaqa at sumunod ay Mudgha. [Tunghayan ang Quran)
15Hindi baga ninyo napagmamalas kung paano nilikha ni Allah ang pitong kalangitan, ng suson-suson (ang bawat isa ay mataas sa iba)
16At ginawa Niya ang buwan bilang liwanag doon at ng araw bilang isang ilaw
17At nilikha kayo ni Allah mula sa alabok ng lupa (na dahan-dahan sa paglaki at pagyabong)
18At pagkaraan, kayo ay ibabalik Niyang muli rito (sa lupa), at Kanyang ibabangon kayong (muli sa Araw ng Muling Pagkabuhay)
19At si Allah ang gumawa para sa inyo ng kalupaan na nakalatag nang malawak
20Upang kayo ay makapaglakad dito sa malalapad na landas
21Si Noe ay nagbadya: “Aking Panginoon! Katotohanang sila ay sumuway sa akin at sila ay sumunod sa kanya na ang 912 kayamanan at mga anak ay hindi makakapagbigay sa kanya ng kapakinabangan bagkus ay kapahamakan (pagkatalo).”
22At sila ay nagpakana ng malaking balak
23At sila ay nagsipag-usapan sa isa’t-isa: “Huwag ninyong tatalikdan ang inyong mga diyos, gayundin ay huwag ninyong iiwan si Wadd, at si Suwa, at si Yaguth, at si Ya’uq, at si Nasr (mga pangalan ng mga imahen at rebulto);”
24At katotohanang inakay nila ang karamihan sa pagkaligaw. At (o Allah)! “Huwag Kayong magbigay ng dagdag sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, walang pananalig, atbp.), maliban sa kamalian.”
25dahilan sa kanilang mga kasalanan sila ay nilunod (sa dilubyo ng baha), at pinag-utusan na magsipasok sa Apoy (ng kaparusahan), at sila ay hindi nakatagpo ng sinuman na makakatulong sa kanila sa halip (bilang kapalit) ni Allah
26At si Noe ay nagturing: “Aking Panginoon! Huwag Kayong mag-iwan sa kalupaan ng kahit na isang hindi nananampalataya
27Kung sila ay Inyong iwan, ay kanilang ililigaw ang Inyong matatapat na alipin, at sila ay magpapakarami (mga tao) na hindi hihigit pa sa pag- uugali maliban sa kabuktutan at kawalan ng utang na loob
28Aking Panginoon! Inyong patawarin ako at ang aking mga magulang, at sa sinuman na pumapasok sa aking tahanan ng may pananalig, at lahat ng mga sumasampalatayang lalaki at sumasampalatayang babae, at huwag Ninyong pagkalooban ang mga tampalasan (ng anuman) maliban sa kapahamakan at pagkawasak!”
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath