Islam
bumalik

55. Ar-Rahmaan

1(Si Allah) ang Pinakamahabagin

2Siya na nagturo (sa inyo O Sangkatauhan) ng Qur’an (sa pamamagitan ng Kanyang Habag)

3Siya na lumikha sa tao

4Siya na nagturo sa kanya ng maindayog na pananalita

5Ang araw at buwan ay tumatakbo (sumusunod) sa kanilang takdang landas (ng buong katumpakan sa oras at sukat)

6Ang mga bituin at mga punongkahoy ay kapwa nagpapatirapa sa pagpupuri

7At ang kalangitan ay Kanyang itinaas nang matayog, at Kanyang itinakda ang Timbangan (ng katarungan)

8Upang kayo ay hindi magmalabis sa hangganan (at sukat)

9Kaya’t panatilihin ninyo ang bigat ng may katarungan at huwag ninyong bayaan ang timbangan na magkulang

10At Siya ang naglatag ng kalupaan para sa kanyang mga nilikha

11Na naririto ang mga bungangkahoy at mga palmera (datiles) na namumunga sa maraming buwig

12At gayundin ang mais, ang (kanyang) dahon at tangkay ay bilang pagkain ng mga hayop, at mababangong halaman (herba)

13Kaya’t alin sa mga kaloob ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

14Nilikha Niya ang tao (Adan) mula sa malambot na putik na tulad (ng gamit) sa palayukan

15At nilikha Niya ang mga Jinn mula sa apoy na walang usok

16Kaya’t alin sa mga kaloob ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

17(Siya ang) Panginoon ng dalawang Silangan (ang lugar ng pagsikat ng araw sa panahon ng Tag-init at Taglamig), at Panginoon ng dalawang Kanluran (ang lugar ng paglubog ng araw sa panahon ng Tag-init at Taglamig)

18Kaya’t alin sa mga kaloob ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

19Hinayaan Niya na maging malaya ang dalawang bahagi ng dagat (ang maalat at matabang na tubig); na huwag magkatagpo

20Na sa pagitan nila ay may isang sagka at sila ay hindi magsasanib (sa isa’t isa)

21Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

22Na rito (sa dagat) ay nagmumula ang mga perlas at batong bulaklak

23Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

24At nasa Kanyang (pag-aaruga) ang mga barko na naglalayag nang mabilis sa karagatan, na matayog na tulad ng mga bundok

25Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

26Ang lahat ng anupamang nasa kalupaan ay maglalaho

27Datapuwa’t mananatili (magpakailanman) ang Mukha ng iyong Panginoon na Tigib ng Kaluwalhatian, Kasaganaan at Karangalan

28Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

29Ang bawat nilalang dito sa kalangitan at kalupaan ay sa Kanya humahanap ng kanilang pangangailangan. At sa araw-araw, Siya ang nagpapatupad (ng pansantinakpang) kapangyarihan (katulad ng pagbibigay ng karangalan sa ilan, kahihiyan sa iba, buhay sa ilan, kamatayan sa iba, atbp)

30Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

31Hindi maglalaon ay Aming igagawad (ang inyong kahihinatnan), o kayong dalawang uri ng nilalang (mga Jinn at Tao)

32Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

33O kayong kalipunan ng mga Jinn at Tao! Kung kayo ay may kapangyarihan upang sulasugin ang mga hangganan (at lahat ng sulok) ng kalangitan at kalupaan, kung gayon ay inyong sulasugin! Datapuwa’t hindi kayo makakatawid doon malibang Aming (Allah) pahintulutan

34Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

35At sa inyong dalawa (mga Jinn at Tao) ay ipapadala (sa inyong masasama) ang walang usok na lagablab ng apoy (upang tumupok) at ng (lusaw) na tanso, at kayo ay hindi makakapananggalang sa inyong sarili

36Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

37At kung ang kalangitan ay mahati sa pagkapunit, at yaon ay maging pula na tila pamahid (na tunaw)

38Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ang inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

39Sa Araw na yaon, ang Tao maging ang Jinn ay hindi tatanungin sa kanyang kasalanan (sapagkat ito ay natukoy na sa kulay ng kanilang mukha, kung ito ay itim o puti)

40Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (o mga Jinn at Tao)

41Ang Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus-diyosan, kriminal, tampalasan, buktot, atbp.) ay makikilala sa kanilang mga tanda (maiitim na mukha), at sila ay sasakmalin sa kanilang nakalawit at natataliang buhok (sa noo) at sa kanilang mga paa

42Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

43Ito ang Impiyerno na itinanggi ng Mujrimun (mga makasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa diyus-diyosan, kriminal, tampalasan, buktot, atbp)

44Sila ay magsisiikot sa pagitan (ng Impiyerno), sa gitna ng mainit at kumukulong tubig

45Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

46Datapuwa’tsiya(natunaynasumasampalatayakayAllah at sa Kanyang Kaisahan at sa Islam, na gumagawa ng lahat ng mga ipinag-uutos ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita at umiiwas sa lahat ng masama at mga ipinagbabawal sa Islam), na may pagkatakot (at pangangamba) sa pagtindig sa harapan (ng Luklukan ng Paghuhukom) ng kanyang Panginoon, doon ay magkakaroon ng dalawang Halamanan (Paraiso)

47Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

48Na may malalabay na mga sanga (ng lahat ng uri ng mga punongkahoy)

49Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

50At sa pagitan nito (Halamanan) ay mayroong dalawang Batis na malayang dumadaloy

51Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

52At naroroon ang lahat ng uri ng bungangkahoy sa bawat pares

53Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

54Sila ay magsisihilig sa mga diban na nababalutan ng binurdahang sutla, at ang mga bungangkahoy ng dalawang Halamanan ay mababa at naaabot ng kamay

55Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

56At sasakanila ang (mga dalaga) na walang bahid dungis, na nagpipigil sa kanilang pagsulyap sa kanilang mga asawa, na wala pang sinumang tao o Jinn ang sa kanila ay nakasaling

57Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

58(Na ang kagandahan) ay nawawangis sa mga batong rubi at batong bulaklak

59Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

60Mayroon pa bang ibang ganti ang kabutihan maliban sa kabutihan

61Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

62At bukod pa sa dalawang (Halamanang ito) ay mayroon pang dalawang Halamanan (alalaong baga, ang Paraiso)

63Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

64Na luntiang- luntian ang kanyang kulay (dahilan sa saganang tubig)

65Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

66At sa bawat (Halamanan) ay may dalawang batis na sagana at patuloy na umaagos na tubig

67Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (o mga Jinn at Tao)

68Na naroroon ang mga bungangkahoy, at mga bungang palmera (datiles) at bungang granada (pomegrenates)

69Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

70At (sa Halamanan) ay sasakanila ang (mga asawa) na mainam at maganda

71Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

72Mga Houris (magaganda at mapuputing babae na nagpipigil sa kanilang pagsulyap) na nakatahan sa mga bulwagan

73Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

74Na wala pang sinumang tao o Jinn ang sa kanila ay nakasaling

75Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

76Na nakahilig sa mga luntiang diban at mga karpetang tigib sa kagandahan

77Kaya’t alin sa mga kaloob na ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa (O mga Jinn at Tao)

78Maluwalhati ang Pangalan ng inyong Panginoon (Allah), na Lubos ang Kataasan at Tigib ng Karangalan

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath