52. At-Tur
1Sa pamamagitan ng Bundok (ng kapahayagan)
2At sa pamamagitan ng isang Aklat na nakatitik
3Sa kalatas (dahon) nanakalantad
4Sapamamagitanng Bait-ul-Mamur (angTahanan saibabawngkalangitannalagingdinadalawng mga anghel)
5At sa pamamagitan ng Kulandong na itinayo ng mataas (alalaong baga ang langit)
6At sa pamamagitan ng karagatan na umaapaw (o ito ay magiging apoy na sisindihan sa Araw ng Muling Pagkabuhay)
7Katotohanan, ang kaparusahan ng inyong Panginoon ay walang pagsalang daratal
8walang sinuman ang makakahadlang dito
9Sa Araw na ang suson-susong kalangitan ay makakalog sa matinding pagkauga
10At ang kabundukan ay matitinag sa isang (kagimbal-gimbal) na pagkilos
11Kaya’t kasawian sa Araw na yaon sa mga nagpapabulaan (sa katotohanan)
12Na naglalaro ng kasinungalingan (ganap na abala sa kawalan ng pananalig at paggawa ng kasamaan sa mundong ito na siyang mga pagsubok sa sangkatauhan at nagwawalang bahala sa walang hanggang kasasapitan [alalaong baga, kaparusahan sa Apoy ng Impiyerno)
13Sa Araw na sila ay ihahagis sa kailaliman ng Apoy na hindi masasawata
14(At sa kanila ay ipagbabadya): “ Ito ang Apoy na inyong itinatwa!”
15“Ito baga ay isang salamangka, o kayo ay hindi nakakakita? “
16“Inyong lasapin dito ang init, at kahit na kayo ay matiisin sa ganito o hindi matiisin sa ganito, itong lahat ay magkakatulad. Kayo ay tumanggap lamang ng kabayaran sa inyong mga gawa.”
17Katotohanan, ang Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na lubhang nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng kasalanan, at lubhang nagmamahal kay Allah at nagsasagawa ng lahat ng kabutihan at gumaganap sa mga ipinag-uutos ni Allah), ay mapapasa-Halamanan (ng Paraiso) at Sukdol na Kaligayahan
18Na nagtatamasa ng kasiyahan na ipinagkaloob sa kanila ng kanilang Panginoon; at (sa katunayan) na ang kanilang Panginoon ang nagligtas sa kanila sa kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy
19(At sa kanila ay ipagtuturing): “Kumain kayo at uminom ng may kasiyahan dahilan sa inyong mabubuting gawa.”
20Sila ay magsisihilig (ng may kaginhawahan) sa mga diban na inayos sa maraming bilang; at Aming ikakasal sila sa mga Houris (magagandang dalaga), na nag-aangkin ng magaganda, mabibilog at maningning na mga mata
21At sila na sumasampalataya na ang kanilang anak (pamilya) ay sumunod sa kanilang Pananalig, sa kanila ay Aming ipipisan ang kanilang anak (pamilya), at hindi Namin ipagkakait sa kanila (ang bunga) ng kanilang mga gawa. Ang bawat tao (kaluluwa) ay sanla sa bagay na kanyang kinita
22At ipagkakaloob Namin sa kanila ang bungangkahoy at karne, sa anumang kanilang maibigan
23dito sila ay magpapalitan sa bawat isa ng kopita (ng alak) na walang bahid ng kahangalan at malinis sa kasalanan (sapagkat pinahihintulutan na rito ang pag-inom [ng alak)
24At sa paligid nila ay nagsisilbi ang mga matimtimang lalaki (na may angking kabataan at kakisigan), na tila ba mga perlas na napapangalagaan
25At ang ilan sa kanila ay lalapit sa iba na nagtatanong
26At nagsasabi: “Noong panahong yaon, kami ay nangangamba sa kapakanan ng aming mga kaanak at kaibigan (sa kaparusahan ni Allah)
27Datapuwa’t si Allah ay naging mapagbigay sa atin, at Kanyang iniligtas tayo sa kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy
28Katotohanang kami ay nagsisitawag (lamang) sa Kanya (at wala ng iba) noon pa mang una. Katotohanang Siya ang Al-Barr (ang Pinakamabanayad, ang Pinakamabait, ang Pinakamapitagan, ang Pinakamapagbigay), ang Pinakamaawain
29Kaya’tpagtagubilinanatpangaralanmo(OMuhammad ang sangkatauhan tungkol sa Islam at Kaisahan ni Allah). Sa pamamagitan ng Biyaya ni Allah, ikaw ay hindi isang manghuhula, o isang inaalihan (ng demonyo)
30o sila baga ay nagsasabi : “(Si Muhammad) ay isang makata! Kami ay naghihintay para sa kaniya ng mga kapinsalaan (sa tangkay) ng panahon!”
31Ipagbadya mo (o Muhammad) sa kanila: “Magsipaghintay kayo! Ako rin ay naghihintay na kasabay ninyo!”
32Ang kanila bagang isipan ay nag-uutos ng ganito (alalaong baga, na sila ay magsabi ng kasinungalingan laban sa iyo [O Muhammad]), o sila baga ay mga tao na lumagpas sa lahat ng hangganan (alalaong baga, mula sa pananalig kay Allah tungo sa kawalan ng pananalig)
33o sila baga ay nagsasabi: “Siya (Muhammad) ay nanghuwad nito (ang Qur’an).” Hindi! Sila ay hindi nananalig
34Hayaan sila na gumawa ng pagdalit (pagbigkas) na katulad nito (Al Qur’an), kung sila ay nagsasabi ng katotohanan
35Sila baga’y nilikha mula sa wala? O sila baga sa kanilang sarili ang manlilikha
36o sila baga ang lumikha ng kalangitan at kalupaan? Hindi, sila ay walang matatag na pananalig
37O nasa kanila ba ang mga Kayamanan ng iyong Panginoon? o sila ba ang mga pinunong mapaniil na may kapamahalaan na gawin ang kanilang naisin
38o mayroon ba silang hagdanan na sa pamamagitan nito (ay makakapanhik sila sa kalangitan) upang mapakinggan (ang pag-uusap ng mga anghel)? Kung gayon, hayaaan ang kanilang tagapakinig ay magpakita ng lantad na katibayan
39o Siya (Allah) ba ay mayroon lamang mga anak (na babae), at kayo ay mayroon mga anak (na lalaki)
40o ikaw ba (o Muhammad) ay nanghihingi ng gantimpala mula sa kanila (sa pangangaral ng Kaisahan ni Allah at Islam), upang sila ay mabigatan sa pasanin ng pagkakautang
41o ang kapamahalaan ba ng Al Ghaib (mga nalilingid) ay nasa kanilang kamay at isinusulat nila ito
42o sila ba ay nagbabalak ng pakana (laban sa iyo, o Muhammad)? Subalit sila na hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), sila sa kanilang sarili ang makukupot sa ganitong pakana
43o sila ba ay may iba pang diyos bukod pa kay Allah? Higit na Maluwalhati si Allah sa lahat ng mga bagay na iniaakibat nila bilang katambal (sa Kanya)
44At kung sila ay makakita ng piraso ng kalangitan na nahuhulog, sila ay magsasabi: “Mga bunton lamang ng ulap na natipon!”
45Kaya’t hayaan silang mag-isa hanggang sa kanilang makaharap ang Araw na sila ay manggigipuspos (na may pagkalagim)
46Sa Araw na ang kanilang pakana ay walang buti na maidudulot sa kanila kahit na anuman, gayundinsilaayhindimatutulungan(alalaongbaga, kanilang tatanggapin ang kanilang kaparusahan sa Impiyerno)
47At katotohanang sa mga gumagawa ng kamalian ay mayroon pang ibang kaparusahan (alalaong baga, ang kaparusahan sa mundong ito at sa kanilang libingan), bago pa rito, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang kaalaman
48Kaya’t ikaw (O Muhammad) ay maghintay ng may pagtitiyaga sa Pasya ng iyong Panginoon sapagkat katotohanang ikaw ay nasa pangangalaga ng Aming mga Mata, at ipagbunyi mo ang mga papuri ng iyong Panginoon kung ikaw ay magbangon mula sa pagkakatulog
49At sa bahagi ng gabi ay ipagbunyi mo ang mga papuri sa Kanya at sa (oras) nang paglubog ng mga bituin
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath