43. Az-Zukhruf
1Ha, Mim (mga titik Ha, Ma)
2Sa pamamagitan ng hayag naAklat na nagsasaad na maging maliwanag ang lahat ng bagay (ang Qur’an)
3Katotohanang Aming ginawa ang Qur’an sa (wikang) Arabik upang inyong maunawaan (ang kanyang kahulugan at kanyang mga paala- ala)
4At katotohanang ito (Qur’an) ay nasa Ina ng Aklat (Al-Lauh Al-Mahfuz), sa Aming harapan, at katiyakang Mataas sa Karangalan at Tigib sa Karunungan
5Hindi baga Namin (kayo paaalalahanan) at Aming kukunin ang Paala-ala (Qur’an) sa inyo sapagkat kayo ay mga tao na Musrifun (mga lumampas sa lahat ng hangganan ng pagsuway bilang mga mapagsamba sa mga diyus- diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad, makasalanan, atbp)
6At ilan na nga ba ang propeta na Aming isinugo sa mga tao noon pang una
7At walang sinumang propeta ang dumatal sa kanila na hindi nila pinagtawanan at tinuya
8Kaya’t Aming winasak ang mga tao, na higit ang lakas kaysa rito; at ito ang halimbawa ng mga pumanaw na noon pang una (bago pa sa kanila)
9At katiyakang kung sila ay inyong tatanungin, “Sino ang lumikha ng kalangitan at kalupaan?” Tunay nga nilang sasabihin: “Ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Kaalaman ang lumikha sa kanila.”
10Na Siyang lumikha sa kalupaan na tila higaan (nakalatag), at gumawa sa inyo rito ng mga daan (at landas) upang kayo ay makatagpo ng patnubay (sa pagtahak)
11Na nagpapamalisbis (sa tuwi- tuwina) ng ulan mula sa alapaap sa ganap na sukat; at Aming pinasigla sa pagkabuhay ang lupaing tigang; sa gayunding paraan, kayo ay ibabangon (mula sa mga patay)
12At Siyang lumikha ng lahat ng bagay na may katambal (kapares), at gumawa sa inyo ng mga barko at hayupan na inyong masasakyan
13Upang kayo ay makaupo nang matatag at lapat sa kanilang mga likod, at kung kayo ay nakaupo na, ay inyong maaala-ala ang (magandang) biyaya ng inyong Panginoon, at magsasabi: “Luwalhatiin Siya na nagbigay sa mga ito na mapailalim sa aming kapamahalaan, para sa aming (gamit), sapagkat ito ay hindi kailanman namin makakamtan (sa aming mga gawa)
14At katotohanang sa Aming Panginoon, katiyakang kami ay magbabalik!”
15Datapuwa’t sila ay nag-aakibat sa ilan sa Kanyang mga alipin ng katambal sa Kanya (sa pagsasabi na Siya ay may anak o mga supling at nagtuturing sa kanila bilang mga karibal sa pagsamba sa Kanya). Katotohanan, ang tao ay maliwanag na walang pasasalamat
16Ano! Siya ba ay kumuha ng mga anak na babae mula sa bagay na Siya sa Kanyang Sarili ang lumikha, at pumili para sa inyo ng mga anak na lalaki
17At kung ang isa sa kanila ay makatanggap ng balita (ng pagsilang) ng isa sa kanilang inihahalintulad sa Pinakamagbigay (Allah) {tulad ng isang batang babae}, ang kanyang mukha ay nagdidilim, nalulumbay, at siya ay napupuspos ng kapighatian
18(Inihahalintulad baga nila kay Allah) ang isang nilikha na pinalaki sa pagsusuot ng mga palamuti (alalaong baga, ang mga babae), na sa isang pagtatalo ay hindi makapagbigay nang malinaw na pagsusulit sa kanyang sarili
19At itinuturing nila ang mga anghel, na sila sa kanilang sarili ay alipin ng Pinakamapagbigay (Allah); na mga babae. Napagmalas ba nila ang kanilang pagkalikha? Ang kanilang katibayan ay itatala, at sila ay tatanungin upang magsulit
20(Ah!) Sila ay nagsasabi: “Kung ito ang naging Kalooban ng Pinakamapagbigay (Allah), hindi sana natin sinamba (ang huwad na mga diyus-diyosan). Sa ganito, sila ay walang anumang kaalaman! wala silang ginagawa kundi ang kasinungalingan
21Ano? Sila ba ay pinagkalooban Namin ng Aklat bago pa rito (sa Qur’an), na kanilang pinanananganan
22Hindi! Sila ay nagsasabi: “Natagpuan namin ang aming mga ninuno na sumusunod sa isang tanging paraan at paniniwala, at aming pinatnubayan ang aming sarili sa kanilang mga yapak.”
23At gayundin naman, Kami ay hindi nagsugo ng isang Tagapagbabala bago pa sa iyo (o Muhammad) sa anumang bayan (pamayanan), na ang mga maalwan sa lipon nila ay hindi nagsabi ng ganito: “Natagpuan namin ang aming mga ninuno na sumusunod sa isang tanging paraan ng pananalig, at walang pagsala na aming susundin ang kanilang mga yapak.”
24(Ang tagapagbabala) ay nagsabi: “Kahit na magdala ako sa inyo ng higit na mainam na patnubay kaysa sa natagpuan ninyong sinusunod ng inyong mga ninuno?” Sila ay nagsabi: “Katotohanang kami ay hindi nananalig sa mga bagay na ipinadala sa iyo.”
25Kaya’t Kami ay naningil ng ganti sa kanila, ngayon, inyong pagmasdan kung ano ang kinahinatnan ng mga nagtakwil (sa katotohanan, sa Islam at sa Kaisahan ni Allah)
26Pagmasdan! Nang si Abraham ay nagsabi sa kanyang amaatsakanyangpamayanan:“Katotohanangakoaywalang kinalaman sa anumang inyong sinasamba
27Maliban sa Kanya(natangikolamangsinasamba), nalumikhasaakin, at walang pagsala na ako ay Kanyang gagabayan.”
28At iniwan niya ang Salita (La ilaha ill Allah, Wala ng iba pang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), isang Salita na mananatili sa kanyang mga lahi na susunod sa kanya (ito ay ang pananalig sa tunay na Kaisahan ni Allah), upang sila ay magsipagbalik loob (sa pagsisisi at tumanggap ng paala-ala mula kay Allah)
29Hindi! Datapuwa’t Ako (Allah) ay nagbigay ng magagandang bagay sa buhay na ito sa kanila (mga mapagsamba sa diyus-diyosan) at sa kanilang mga ninuno upang maging maligaya, hanggang sa dumatal sa kanila ang Katotohanan (Qur’an), at ng isang Tagapagbalita (Muhammad) upang magbigay paliwanag sa mga bagay-bagay
30At nang ang Katotohanan (Qur’an) ay dumatal sa kanila, ang (mga hindi sumasampalataya sa Qur’an) ay nagsabi: “Ito ay isang salamangka, at kami ay hindi naniniwala rito.”
31At sila ay nagsasabi: “Bakit kaya ang Qur’an na ito ay hindi ipinanaog sa ilang dakilang lalaki ng dalawang bayan (Makkah at Taif)
32Sila baga ang naghahati- hati sa Habag ng iyong Panginoon? Kami (Allah) ang naghahati-hati sa gitna nila ng kanilang ikabubuhay sa mundong ito, at Aming itinaas ang iba sa kanila sa hanay (katatayuan), upang ang iba ay mabigyan nila ng gawain sa kanilang hanapbuhay. Datapuwa’t ang Habag (Paraiso) ng iyong Panginoon (o Muhammad) ay higit na mainam (sa kayamanan ng mundong ito) na kanilang natipon
33At kung hindi lamang na ang sangkatauhan ay hahantong sa pagiging isang pamayanan (lahat ng mga hindi sumasampalataya na naghahangad sa makamundong buhay lamang), Amin sanang pagkakalooban ang mga hindi sumasampalataya sa Pinakamapagbigay (Allah) ng pilak na mga bubong para sa kanilang bahay, at (pilak) na mga hagdan upang sila ay makapanhik
34At ng (pilak) na mga pintuan para sa kanilang bahay, at ng mga diban at luklukan (na yari sa pilak) upang kanilang pagpahingalayan
35At gayundin ng mga palamuting ginto. Magkagayunman, ang lahat ng ito (alalaong baga, ang mga bubong, pinto, hagdan, luklukan, atbp.) ay walang saysay maliban sa isang pagsasaya sa pangkasalukuyang buhay sa mundong ito. Ang Kabilang Buhay sa Paningin ng inyong Panginoon ay para sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na nangangamba kay Allah nang labis at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa at nagmamahal kay Allah nang higit at nagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos)
36At kung sinuman ang tumalikod sa pag-aala-ala sa Pinakamapagbigay (Allah), Kami ay nagtalaga sa kanya ng demonyo (Satanas) upang kanyang maging Qarin (matalik na kasama)
37At katotohanan, sila (na mga demonyo) ang humahadlang sa kanila sa Landas (ni Allah), datapuwa’t napag-aakala nila na sila ay tunay na napapatnubayan
38At sa kalaunan, kung (siya na ganoon) ay lumapit sa Amin, siya ay nagsasabi (sa kanyang Qarin o masamang kasama): “Sana ang naging pagitan nating dalawa ay katulad ng pagkakalayo ng Silangan at Kanluran.” (Sa sandali nang pakikipagharap kay Allah o sa oras ng Paghuhukom, ang nalinlang na kaluluwa ay makakakita sa katotohanan at maghahangad na sana ay malayo siya kay Satanas). Ah! (Tunay) ngang masamang (uri) ng kasama
39walang magiging kapakinabangan sa iyo sa Araw na ito (o ikaw na tumalikod sa pag-aala-ala kay Allah at sa pagsamba sa Kanya, atbp.), sapagkat ikaw ay nakagawa ng kabuktutan, at sa Araw na ito, ikaw (at ang iyong mga Qarin, masamang mga kasama) ay magiging kabahagi sa kaparusahan
40Ikaw ba (o Muhammad) ay makakagawa na makarinig ang bingi, o iyong mabigyan ng patnubay ang bulag o siya kaya na namamayagpag sa malaking kamalian
41At kahit na ikaw (o Muhammad) ay Aming kunin, katotohanang Kami ay maghihiganti laban sa kanila
42o (kung) Aming ipamamalas sa iyo kung ano ang Aming banta (ipinangako) sa kanila, kung gayon, katotohanang Kami ang may ganap na pag-uutos (kapangyarihan) laban sa kanila
43Kaya’t ikaw ay manangan (o Muhammad) nang taimtim sa kapahayagan na Aming ipinadala sa iyo. Katotohanang ikaw ay nasa isang Tuwid na Landas
44At katotohanan, (ang Qur’an) ay katiyakang Paala-ala sa iyo (O Muhammad) at sa iyong pamayanan (mga Quraish at iyong mga tagasunod); at hindi magtatagal, kayong lahat ay itatambad upang magsulit
45At iyong tanungin (o Muhammad) ang Aming mga Tagapagbalita na Aming isinugo nang una pa sa iyo: “Kami (Allah) baga ay nagtalaga ng anumang mga diyos tangi pa sa Pinakamapagbigay (Allah) upang sambahin?”
46At katotohanang isinugo Namin si Moises na taglay ang Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) kay Paraon at sa kanyang mga pinuno (na nag-aanyaya sa Islam, ang relihiyon ni Allah). Siya (Moises) ay nagsabi: “Katotohanang ako ay Tagapagbalita ng Panginoon ng lahat ng mga nilalang.”
47Datapuwa’t nang sila (Moises at Aaron) ay pumaroon sa kanila na taglay ang Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.), pagmalasin, sila ay nagtawa sa kanila
48Kami (Allah) ay nagpamalas sa kanila ng Ayat (mga tanda, atbp.) sa tuwi-tuwina, na higit na dakila kaysa sa kanilang kasama; at Aming sinakmal sila ng kaparusahan upang sila ay tumalikod (sa pagsamba sa mga diyus-diyosan) at magbalik loob (sa Amin)
49At sila ay nagsabi (kay Moises): “o ikaw na manggagaway! Tawagan mo ang iyong Panginoon para sa amin ng ayon sa Kanyang kasunduan sa iyo; katotohanang kami ay tatanggap ng patnubay.”
50Datapuwa’t nang Aming palisin ang kaparusahan sa kanila, pagmasdan, sila ay sumira sa kanilang salita (na sila ay mananampalataya kung Aming ibsan ang kaparusahan sa kanila)
51At si Paraon ay nagpahayag sa kanyang pamayanan, na nagsasabi: “O aking pamayanan! Hindi baga ang pamamahala sa Ehipto ay tangi lamang sa akin, at sa mga ilog na nagsisidaloy sa ilalim (ng aking kinatatayuan). Hindi baga ninyo napagmamalas
52Hindi baga ako ay higit na mainam sa kanya (Moises), siya na Mahin (walang dangal at hindi iginagalang, mahina at kasuklam-suklam), at halos hindi makapangusap sa kanyang sarili nang maliwanag?”
53“ Bakit kaya hindi siya ginawaran ng mga gintong pulseras o di kaya ang mga anghel ay pinasama sa kanya?”
54Sa ganito nilinlang at iniligaw (ni Paraon) ang kanyang pamayanan, at sila ay sumunod sa kanya. Katotohanang sila ay Fasiqun (mga tao na palasuway at mapaghimagsik kay Allah)
55Kaya’t nang kanilang pinagalit Kami, Aming pinarusahan sila at nilunod silang lahat
56At Aming ginawa silang halintulad (bilang aral sa mga susunod na henerasyon pagkatapos nila) at bilang halimbawa sa mga darating na henerasyon
57At nang ang anak ni Maria ay hinirang na isang halimbawa (alalaong baga, si Hesus ay sinasamba na tulad ng kanilang mga diyus-diyosan), pagmasdan!, ang iyong mga tao ay nagkakamayaw (sa pagtatawa)
58At nagsasabi: “Ang aming mga diyos baga ay higit na mainam o siya kaya (Hesus)? Inihahalintulad lamang nila ito hindi sa anupaman liban sa pagtatalo-talo. Hindi! Sila ay mga palaaway na tao
59Siya (Hesus) ay hindi hihigit pa sa isang alipin. Aming iginawad ang Aming paglingap sa kanya at Aming ginawa siyang halimbawa sa Angkan ng Israel (alalaong baga, siya ay nilikha na walang ama)
60At kung ito lamang ay Aming Kalooban, magagawa Namin (na wasakin kayong lahat na mga tao) at ipalit sa inyo ang mga anghel dito sa kalupaan
61At siya (Hesus, na anak ni Maria) ay magiging isang Tanda (sa pagdating) ng oras (Araw ng Muling Pagkabuhay; [na si Hesus ay mananaog sa lupa bago dumatal ito]), kaya’t huwag kayong mag-alinlangan (sa Oras), datapuwa’t Ako ay inyong sundin; ito ang Tuwid na Landas (tungo kay Allah at sa Paraiso)
62Huwag ninyong hayaan si Satanas na humadlang sa inyo (sa Tamang Pananalig). Katotohanang siya sa inyo ay isang lantad na kaaway
63Nang si Hesus ay dumatal na may Maliwanag na mga Katibayan (mula sa Amin), siya ay nagsabi: “Ako ay dumatal sa inyo na may Hikmah (karunungan ng isang propeta), upang aking gawing maliwanag sa inyo ang ilan (sa mga bagay-bagay) na inyong pinagtatalunan; kaya’t inyong pangambahan si Allah at ako ay inyong sundin.”
64“Katotohanang si Allah, Siya ang aking Panginoon at inyong Panginoon; kaya’ttanging Siyaanginyongsambahin; ito (lamang) ang Matuwid na Landas.”
65Datapuwa’t ang mga sekta sa pagitan nila ay nabulid sa hindi pagkakasundo- sundo; kaya’t kasawian sa mga gumagawa ng kamalian (sa pamamagitan ng pagtuturing ng mga bagay kay Hesus na walang katotohanan) mula sa kaparusahan ng kahindik- hindik na Araw (ang Araw ng Muling Pagkabuhay)
66Sila baga’y nagsisipaghintay lamang sa Oras, na ito ay dumatal sa kanila nang kaginsa-ginsa, habang ito ay hindi nila napag-aakala
67Ang mga magkakaibigan sa Araw na ito ay magiging magkaaway, ang bawa’t isa sa kanila; maliban sa Muttaqun (mga matutuwid at matimtimang tao na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga masasamang gawa at kasalanan at gumagawa ng kabutihan na ipinag-utos ni Allah)
68(At dito ay ipagsusulit): “o Aking mga lingkod (tagapagsamba)! Sa Araw na ito ay walang pangangamba sa inyo, gayundin kayo ay hindi mamimighati
69(Kayo) na mga nagsisampalataya sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) at mga Muslim (buong ganap na nagsitalima sa kapasyahan at Kaisahan ni Allah at sa Islam)
70Magsipasok kayo sa Halamanan (Paraiso), kayo at ang inyong mga asawa, sa kaligayahan
71Sa buong paligid nila ay idudulot ang mga kubyertos at kopita na gawa sa ginto; (naroroong) lahat ang anumang bawat naisin ng kanilang kaluluwa, ang lahat ng bagay na magbibigay ligaya sa kanilang paningin; at kayo ay magsisipanahan dito magpakailanman
72Ito ang Paraiso na itinakda sa inyo na inyong manahin dahilan sa inyong (mabubuting) gawa na ginawa ninyo (sa buhay sa mundong ito)
73Naririto sa inyo ang masaganang bungangkahoy na inyong kakainin (sa inyong maibigan)
74Katotohanan, ang Mujrimun (mga tampalasan, kriminal, makasalanan, walang pananalig kay Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Kanyang Propetang si Muhammad, buktot, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp.) ay nasa Kaparusahan ng Impiyerno upang manahan dito magpakailanman
75(Ang Kaparusahan) ay hindi magbabawa sa kanila, at sila ay ihuhulog sa pagkawasak na may matinding pagsisisi, kapighatian at kasawian at kawalang pag-asa
76Kailanman ay hindi Kami nagbigay nang kamalian o naging di makatarungan sa kanila, datapuwa’t sila ay Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp)
77Sila ay magsisitaghoy: “o Malik (ang Tagapagbantay ng Impiyerno)! Hayaan ang iyong Panginoon ay magbigay wakas sa amin!” Siya ay magsasabi: “Hindi, katotohanang kayo ay mananatili rito magpakailanman!”
78Tunay ngang inihayag Namin sa inyo ang Katotohanan (sa pagsusugo kay Muhammad na may taglay na Qur’an), datapuwa’t ang karamihan sa inyo ay nasusuklam sa Katotohanan
79Ano! Sila ba ay nagsigawa ng ilang balakin (sa kanilang mga sarili)? Datapuwa’t Kami rin ay may balak
80o napag- aakala baga nila na hindi Namin naririnig ang kanilang mga lihim at kanilang mga lingid na usapan at pagsasanggunian? Tunay nga (na Kami ay makakagawa), at ang Aming mga Tagapagbalita (mga itinakdang anghel sa sangkatauhan) ay nasa lipon nila upang magtala
81Ipagbadya (O Muhammad): “Kung ang Pinakamapagpala (Allah) ay may anak na lalaki, (o mga supling na inyong iniaakibat sa Kanya), kung gayon, ako ang magiging una sa mga sasamba sa Kanya (datapuwa’t Siya, si Allah ay walang anak na lalaki o mga supling, kaya’t ako ang unang nagtatatwa at sumasalansang ng inyong paniniwala at una sa mga sasampalataya sa Kanya lamang at magpapatotoo na Siya ay walang mga anak).”
82Kaluwalhatian sa Panginoon ng kalangitan at kalupaan, at sa Panginoon ng Luklukan! Higit Siyang mataas sa lahat ng mga inihahalintulad (sa Kanya)
83Kaya’t hayaan sila na mangusap ng walang katuturan at magsipaglaro hanggang sa kanilang sapitin ang kanilang Araw na sa kanila ay ipinangako
84Siya (lamang, si Allah) ang tanging Ilah (diyos na dapat sambahin) sa kalangitan at Ilah (diyos na dapat sambahin) sa kalupaan; at Siya ay Tigib ng Karunungan at Puspos ng Kaalaman
85At kapuri-puri Siya na nag-aangkin ng lahat ng Kaharian sa kalangitan at kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito, atnasa Kanyalamangangkaalamansa Oras, atsa Kanya kayong (lahat) ay magbabalik
86At yaong mga sinasamba nila maliban sa Kanya ay walang anumang kapangyarihan upang makapamagitan; maliban sa kanila na nagbibigay saksi sa Katotohanan (alalaong baga, sumampalataya sa Kaisahan ni Allah, at sumunod sa Kanyang mga pag-uutos), at may ganap na kaalaman (tungkol sa katotohanan ng Kaisahan ni Allah)
87At kung sila ay iyong tatanungin kung sino ang lumikha sa kanila, walang pagsala na kanilang sasabihin: “Si Allah.” Paano sila kung gayon naligaw (sa katotohanan at sa pagsamba kay Allah na Siyang lumikha sa kanila)
88(Si Allah ay may Kaalaman) sa panambitan (ni Propeta Muhammad) na nagsasabi: “o aking Panginoon, katotohanang sila ang mga tao na walang pananalig!”
89Kaya’t tumalikod ka (O Muhammad) sa kanila, at ikaw ay magsabi: “Salam (Kapayapaan)!” Subalit (hindi magtatagal) ay kanilang mapag-aalaman! [Ang pag-uutos sa Talatang ito ay pinawalang saysay sa pamamagitan ng mga pahayag ng mga Talata ng pakikipaglaban laban sa kanila, talatang 9:5 ng Qur’an]
pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo
WEBREATH · 11:11
«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath