Islam
bumalik

102. At-Takaathur

1Ang pakikipagpaligsahan sa pagtitipon ng mga makamundong bagay ay nakakapanaig sa inyo upang lumihis (sa higit na mabubuting bagay)

2Hanggang sa inyong dalawin ang libingan (alalaong baga, hanggang kayo ay mamatay)

3walang pagsala! Inyong mapag-aalaman (ang katotohanan)

4At muli, ay inyong mapag-aalaman (ang katotohanan)

5Hindi! Kung inyo lamang nababatid ng may tiyak na kaalaman (ang kahihinatnan ng pagtitipon ng kayamanan, hindi sana ninyo ginugol ang inyong panahon sa mga makamundong bagay)

6walang pagsala! Inyong mapagmamalas ang Naglalagablab na Apoy (Impiyerno)

7At muli, walang pagsala na inyong matutunghayan ito

8At sa Araw na ito, kayo ay tatanungin hingil sa kasiyahan (na inyong pinagpasasaan sa mundong ito)

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath