Islam
bumalik

101. Al-Qaari'a

1Al-Qariah (ang Sandali ng dagundong at Matinding Pagsabog, alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay)

2Ano nga ba (ang Sandali) ng dagundong at matinding pagsabog

3At ano nga ba ang magpapahiwatig sa iyo (kung ano ang Sandali) ng dagundong at matinding pagsabog

4Ito ang Araw na ang sangkatauhan ay matutulad sa mga gamu-gamo na makapal na nakakalat

5At ang kabundukan ay tila ba gusot na himaymay ng lana

6At sa kanya na ang timbang (ng mabubuting gawa) ay masusumpungan na mabigat

7Siya ay mamumuhay sa ligaya at saya (sa Paraiso)

8Datapuwa’t sa kanya na ang timbang (ng mabubuting gawa) ay masusumpungan na magaan

9Kanyang magiging tahanan ang Hawiya (walang hanggang Hukay sa Impiyerno)

10At ano ang magpapahiwatig sa iyo kung ano ito (ang Hawiya)

11(Ito) ay isang mainit na Nag- aalimpuyong Ningas

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath