Islam
bumalik

100. Al-Aadiyaat

1Sa pamamagitan (ng mga kabayo) na tumatakbo na nangangapos (ang hininga)

2Na kumikiskis ang tilamsik ng apoy (sa kanilang mga paa)

3At gumagalugad sa pagsalakay sa bukang liwayway

4At pansamantalang nagtataas ng alikabok sa mga ulap

5At nagpupumilit na makapasok sa gitna (ng kaaway)

6Katotohanan! Ang tao (na walang pananampalataya) ay walang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang Panginoon

7At katotohanan na siya ay nagbibigay patotoo (sa pamamagitan ng kanyang mga gawa)

8At katotohanang siya ay marahas sa kanyang pagmamahal sa kayamanan

9Hindi baga niya batid kung ang laman ng mga libingan ay ilabas at matambad (alalaong baga, ang sangkatauhan ay muling bubuhayin)

10At ang lihim ng dibdib (ng mga tao) ay mabubunyag

11Katotohanang sa Araw na ito (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), ang kanilang Panginoon ay Lubos na Nakakaalam (sa kanilang mga gawa, at Kanyang babayaran sila ayon sa kanilang mga gawa)

pinagmulan: Abdullatif Eduardo M. Arceo

WEBREATH · 11:11

«If you are thankful, I will give you more» — Quran 14:7

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath