Kristiyanismo
bumalik

Mga Awit 8

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1Yahweh aming Panginoon, kahanga-hanga ang pangalan mo sa buong mundo, hinahayag mo ang iyong kaluwalhatian sa kalangitan.

2Mula sa mga bibig ng mga bata at sanggol ay lumikha ka ng papuri dahil sa mga kaaway mo, para patahimikin ang kaaway at ang tagapaghiganti.

3Kapag tumitingin ako sa iyong mga kalangitan, na ginawa ng iyong mga daliri, ang buwan at mga tala, na nilagay mo sa lugar,

4ano ang halaga ng sangkatauhan na pinapansin mo sila, o ang mga tao na pinapakinggan sila?

5Gayumpaman ginawa mo sila ng mababa ng kaunti kaysa sa mga nilalang sa kalangitan at kinoronahan sila ng may kaluwalhatian at karangalan.

6Ginawa mo siyang tagapamahala ng lahat ng ginawa ng iyong mga kamay; niligay mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:

7lahat ng mga tupa at mga baka, at kahit ang mga hayop ng bukid,

8ang mga ibon ng langit, at ang mga isda ng dagat, lahat ng dumadaan sa mga agos ng dagat.

9Yahweh aming Panginoon, kahanga-hanga ang pangalan mo sa buong mundo!

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath