Mga Awit 7
wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles
1Yahweh aking Diyos, sa iyo ako kumukubli! Iligtas mo ako mula sa lahat ng humahabol sa akin, at iyong sagipin.
2Kung hindi, gugutay-gutayin nila ako tulad ng leon, luluray-lurayin ako ng pira-piraso nang walang sinuman ang makakapagligtas sa akin.
3Yahweh aking Diyos, kailanman ay hindi ko ginawa ang ibinibintang sa akin ng mga kaaway ko; walang kawalan ng katarungan sa mga kamay ko.
4Hindi ako kailanman gumawa ng mali sa mga taong may kapayapaan sa akin, o sinaktan nang walang katuturan ang mga laban sa akin.
5Kung hindi ako nagsasabi ng katotohanan hayaan mong habulin ng aking kaaway ang buhay ko at sagasaan ako; hayaan mo siyang tapak-tapakan ang katawan ko sa lupa at iwanan akong nakahiga sa kahihiyan sa alikabok. Selah
6Bumangon ka, Yahweh, sa iyong galit; tumayo ka laban sa matinding galit ng mga kaaway ko; gumising ka para sa kapakanan ko at isakatuparan ang makatuwirang mga kautusan para sa kanila.
7Ang mga bansa ay nagsama-sama sa paligid mo; bawiin mong muli mula sa kanila ang lugar na nararapat sa iyo.
8Yahweh, hatulan mo ang mga bansa; ipawalang-sala mo ako, Yahweh, dahil ako ay matuwid at walang kasalanan, Kataas-taasan.
9Nawa dumating na sa katapusan ang mga gawain ng mga masasamang tao, pero patatagin mo ang mga taong matuwid, makatuwirang Diyos, ikaw na sumisiyasat ng mga puso at mga isipan.
10Ang aking kalasag ay nanggagaling mula sa Diyos, ang nagliligtas ng mga pusong matuwid.
11Ang Diyos ay makatuwirang hukom, ang Diyos na galit bawat araw.
12Kung hindi magsisisi ang isang tao, hahasain ng Diyos ang kaniyang espada at ihahanda ang kaniyang pana para sa labanan.
13Naghahanda siya para gumamit ng mga sandata laban sa kaniya; ginagawa niya ang kaniyang umaapoy na palaso.
14Isipin mo ang isang buntis na may kasamaan, ang nag-iisip ng mapanirang mga balak, ang nanganganak ng mga mapanirang kasinungalingan.
15Nagbubungkal siya ng hukay, tatakpan ito at saka mahuhulog siya sa hukay na binungkal niya.
16Ang kaniyang sariling mapanirang mga balak ay babalik din sa kaniya, dahil ang kaniyang kasamaan ay babagsak sa sarili niyang ulo.
17Pasasalamatan ko si Yahweh dahil sa kaniyang katarungan; aawit ako ng papuri kay Yahweh ang Kataas-taasan.
pinagmulan: banal na Bibliya
WEBREATH · 11:11
«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath