Mga Awit 64
wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles
1Dinggin mo ang aking tinig, O Diyos, pakinggan mo ang aking daing; ingatan mo ang aking buhay mula sa takot mula sa aking mga kaaway.
2Itago mo ako mula sa lihim na pakana ng mga mapaggawa ng masama, mula sa kaguluhan ng mga gumagawa ng masama.
3Hinasa nila ang kanilang mga dila gaya ng mga espada; itinutok nila ang kanilang mga palaso, mapapait na mga salita,
4para panain nila mula sa lihim na mga lugar ang mga taong walang kasalanan; agad nilang papanain siya at walang kinatatakutan.
5Pinalalakas nila ang kanilang loob sa masamang plano; palihim silang nagpulong para maglagay ng mga patibong; sinasabi nila, “Sino ang makakikita sa atin?”
6Lumikha sila ng mga planong makasalanan; “Natapos namin,” sinasabi nila, “ang isang maingat na plano.” Malalim ang saloobin at puso ng tao.
7Pero papanain sila ng Diyos; kaagad silang masusugatan ng kaniyang mga palaso.
8Madarapa sila, dahil laban sa kanila ang kanilang mga dila; iiling sa kanilang mga ulo ang lahat ng makakakita sa kanila.
9Matatakot ang lahat ng mga tao at ihahayag ang mga gawa ng Diyos. Pag-iisipan nilang mabuti ang tungkol sa kaniyang mga ginawa.
10Magagalak kay Yahweh ang matuwid at kukubli sila sa kaniya; magmamalaki ang lahat ng matapat sa puso.
pinagmulan: banal na Bibliya
WEBREATH · 11:11
«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath