Kristiyanismo
bumalik

Mga Awit 58

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1Nagsasabi ba kayong mga tagapamahala ng katuwiran? Tuwid ba kayong humatol, kayong mga tao?

2Hindi, gumagawa kayo ng kasamaan sa inyong puso; naghahasik kayo ng karahasan sa buong kalupaan gamit ang inyong mga kamay.

3Ihinihiwalay ang mga masasama mula sa sinapupunan; naliligaw na sila simula nang kapanganakan pa lamang, na nagsasabi ng mga kasinungalingan.

4Ang kanilang kamandag ay katulad ng kamandag ng ahas; katulad sila ng binging ulupong na tinatakpan ang kanilang mga tainga,

5na hindi pinapansin ang tinig ng mga nang-aamo, kahit gaano pa sila kagaling.

6Sirain mo ang mga ngipin ng kanilang mga bibig, O Diyos; sirain mo ang mga malalaking ngipin ng mga batang leon, Yahweh.

7Hayaan mong matunaw sila katulad ng tubig na dumadaloy; kapag pinapana nila ang kanilang mga palaso, hayaan mong ang mga ito ay parang walang mga tulis.

8Hayaan mo silang maging parang kuhol na natutunaw at namamatay, katulad ng sanggol na kulang sa buwan na ipinanganak ng isang babae, na hindi kailanman makikita ang sikat ng araw.

9Bago pa maramdaman ng iyong mga paso ang nakakapasong init ng mga tinik, aalisin niya ang mga iyon sa pamamagitan ng buhawi, ang parehong luntian at nakakapasong mga tinik.

10Ang matuwid ay magagalak kapag nakita niya ang paghihiganti ng Diyos; huhugasan niya ang kaniyang mga paa sa dugo ng mga masasama,

11para ang mga tao ay makapagsabing, “Tunay nga, may gantimpala para sa taong matuwid; tunay ngang mayroong Diyos na humahatol sa mundo.”

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath