Kristiyanismo
bumalik

Mga Awit 56

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1Maawa ka sa akin, o Diyos, dahil may naghahangad na lamunin ako; buong araw ay nilalabanan niya ako at inaapi.

2Hinahangad ng aking mga kaaway na lamunin ako buong araw; dahil marami ang mayabang na kumakalaban sa akin.

3Kapag ako ay natatakot, magtitiwala ako sa iyo.

4Sa Diyos, na ang salita ay aking pinupuri - sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako matatakot; ano ang magagawa sa akin ng mga pawang tao lamang?

5Buong araw, binabaluktot nila ang aking mga salita; lahat ng kanilang iniisip ay laban sa akin para sa kasamaan.

6Nagtitipon-tipon sila, tinatago nila ang kanilang mga sarili, at tinatandaan ang aking mga hakbang, katulad ng kanilang paghihintay sa aking buhay.

7Huwag mo silang hayaang makatakas na gumagawa ng kasamaan. Pabagsakin mo ang mga tao sa iyong galit, O Diyos.

8Binibilang mo ang aking mga paglalakbay at inilalagay mo ang aking mga luha sa iyong bote; wala ba ang mga ito sa iyong aklat?

9Pagkatapos tatalikod ang aking mga kaaway sa araw ng aking pagtawag sa iyo; ito ang aking nalalaman, na ang Diyos ay para sa akin.

10Sa Diyos, na ang salita ay pinupuri ko - kay Yahweh, na ang salita ay pinupuri ko -

11sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako matatakot; ano ang magagawa sa akin ng pawang tao lamang?

12Ang tungkulin na tuparin ang lahat ng panata ko sa iyo ay nasa akin, O Diyos; magbibigay ako ng mga handog ng pasasalamat sa iyo.

13Dahil sinagip mo ang aking buhay mula sa kamatayan; pinigilan mo ang aking mga paa na mahulog, para ako ay makalakad sa harapan ng Diyos sa liwanag ng mga nabubuhay.

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath