Mga Awit 28
wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles
1Sa iyo, Yahweh, ako ay umiiyak; aking malaking Muog, huwag mo akong pabayaan. Kung hindi mo ako tutugunan, mabibilang ako sa mga bumababa sa libingan.
2Dinggin ang tinig ng aking pagsusumamo kapag ako ay humihingi ng tulong sa iyo, kapag itinataas ko ang aking mga kamay sa iyong pinakabanal na lugar!
3Huwag mo akong kaladkarin palayo kasama ng masasama, silang gumagawa ng malaking kasalanan, na nagsasalita ng kapayapaan sa kanilang kapwa pero may kasamaan sa kanilang mga puso.
4Ibigay sa kanila kung ano ang nararapat sa kanilang mga gawa at ibalik sa kanila kung ano ang hinihingi ng kanilang kasamaan; ibalik sa kanila ang mga gawa ng kanilang mga kamay; igawad sa kanila ang nararapat.
5Dahil hindi nila nauunawaan ang mga paraan ni Yahweh o ang gawa ng kaniyang mga kamay, sila ay kaniyang pupuksain at hindi kailanman itatayong muli.
6Pagpalain si Yahweh dahil dininig niya ang tinig ng aking pagsusumamo!
7Si Yahweh ang aking kalakasan at ang aking kalasag; ang puso ko ay nagtitiwala sa kaniya, at tinulungan ako. Kaya labis na nagagalak ang aking puso, at pupurihin ko siya nang may pag-awit.
8Si Yahweh ang kalakasan ng kaniyang bayan, at kanlungang nagliligtas sa kaniyang hinirang.
9Iligtas mo ang iyong bayan at pagpalain ang iyong pamana. kayo ay maging pastol nila at aalagaan sila magpakailanman.
pinagmulan: banal na Bibliya
WEBREATH · 11:11
«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath