Mga Awit 21
wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles
1Nagagalak ang hari sa iyong lakas, Yahweh! Labis siyang nagagalak sa kaligtasan na iyong ibinibigay!
2Ibinigay mo sa kaniya ang inaasam ng kaniyang puso at hindi mo pinigilan ang kahilingan ng kaniyang mga labi. Selah
3Dahil dinadalhan mo siya ng mayamang mga pagpapala; inilagay mo sa kaniyang ulo ang pinakadalisay na gintong korona.
4Humihiling siya sa iyo ng buhay; ibinigay mo ito sa kaniya; binigyan mo siya ng mahabang buhay magpakailanman.
5Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila dahil sa iyong tagumpay; iginawad mo sa kaniya ang kaningningan at pagiging maharlika.
6Dahil pinagkalooban mo siya ng mga pangmatagalang pagpapala; hinayaan mo siyang magalak nang may kasiyahan sa iyong presensya.
7Dahil ang hari ay nagtitiwala kay Yahweh; sa pamamagitan ng katapatan sa tipan ng Kataas-taasan siya ay hindi matitinag.
8Dadakpin ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway; dadakpin ng iyong kanang kamay ang mga napopoot sa iyo.
9Sa panahon ng iyong galit; susunugin mo sila na parang nasa maalab na pugon. Lilipulin sila ni Yahweh sa kaniyang matinding galit, at lalamunin sila ng apoy.
10Pupuksain mo ang kanilang mga anak mula sa lupa at ang kanilang mga kaapu-apuhan na kabilang sa sangkatauhan.
11Dahil hinangad nila ang masama laban sa iyo; bumuo sila ng masamang balak na kung saan hindi sila magtatagumpay!
12Dahil sila ay iyong paaatrasin; sila ay iyong papanain.
13Maitanghal, ka Yahweh, sa iyong lakas; aawitin at pupurihin namin ang iyong kapangyarihan.
pinagmulan: banal na Bibliya
WEBREATH · 11:11
«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath