Kristiyanismo
bumalik

Mga Awit 14

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1Sinasabi ng mangmang sa kaniyang puso, “Walang Diyos.” Sila ay masama at nakagawa ng kasuklam-suklam na kasalanan; walang sinuman ang gumagawa ng mabuti.

2Si Yahweh ay tumingin sa baba mula sa langit sa mga anak ng sangkatauhan para makita kung mayroong sinuman ang nakauunawa, kung sino ang naghahanap sa kaniya.

3Ang lahat ay tumalikod; ang lahat ay naging marumi; walang sinuman ang gumagawa ng mabuti, wala, kahit isa.

4Hindi ba nila alam ang kahit na ano, sila na nakagawa ng kasalanan, sila na nilalamon ang aking mga tao gaya ng pagkain ng tinapay, pero hindi tumatawag kay Yahweh?

5Sila ay nanginginig ng may pangamba, dahil kasama ng Diyos ang matuwid na kapulungan!

6Gusto mong hiyain ang taong mahirap kahit na si Yahweh ang kaniyang kanlungan.

7Oh, ang kaligtasan ng Israel ay manggagaling mula sa Sion! Kapag binalik ni Yahweh ang kaniyang bayan mula sa pagkakabihag, magagalak si Jacob at matutuwa ang Israel!

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath