Mga Awit 148
wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles
1Purihin si Yahweh. Purihin niyo si Yahweh, kayo na nasa kalangitan; purihin niyo si Yahweh, kayo na nasa kaitaas-taasan.
2Purihin niyo siya, lahat kayong mga anghel; purihin niyo siya, lahat kayong mga hukbo ng anghel.
3Purihin niyo siya, araw at buwan; purihin niyo siya, kayong mga nagniningning na bituin.
4Purihin niyo siya, kayong pinakamataas na kalangitan at kayong mga katubigan sa kaulapan.
5Hayaan silang purihin ang pangalan ni Yahweh, dahil binigay niya ang utos at sila ay nalikha.
6Itinatag niya rin sila magpakailanman; nagbigay siya ng utos na hindi magbabago.
7Purihin si Yahweh mula sa mundo, kayong mga hayop sa lahat ng karagatan,
8apoy at yelo, nyebe at mga ulap, malakas na hangin, sa pagtupad ng kaniyang salita,
9mga bundok at mga burol, mga bungang-kahoy at lahat ng sedar,
10mga mabangis at maamong hayop, mga hayop na gumagapang at mga ibon,
11mga hari sa mundo at lahat ng bansa, mga prinsipe at lahat ng namamahala sa lupa,
12mga binata at dalaga, mga nakatatanda at mga bata.
13Hayaang silang purihin ang pangalan ni Yahweh dahil ang pangalan niya lamang ang itinatanghal at ang kaniyang kadakilaan ay bumabalot sa buong mundo at kalangitan.
14Itinaas niya ang tambuli ng kaniyang bayan para sa pagpupuri mula sa kaniyang mga tapat na lingkod, mga Israelita, mga taong malapit sa kaniya. Purihin si Yahweh.
pinagmulan: banal na Bibliya
WEBREATH · 11:11
«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath