Kristiyanismo
bumalik

Mga Awit 147

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1Purihin si Yahweh! Mabuting umawit sa ating Diyos. Kasiya-siya at nararapat lang na gawin ito.

2Nawasak ang Jerusalem, pero tinutulungan tayo ni Yahweh na itayo ulit ito.

3Ibinabalik niya ang mga taong dinala sa ibang bayan. Pinalalakas niya ulit ang mga pinanghihinaan ng loob at pinagagaling ang kanilang mga sugat.

4Siya ang lumikha ng mga bituin.

5Dakila at makapangyarihan si Yahweh, at walang kapantay ang kaniyang karunungan.

6Itinataas ni Yahweh ang mga inaapi, at ibinababa niya ang mga masasama.

7Umawit kay Yahweh ng may pasasalamat; gamit ang alpa, umawit ng papuri para sa ating Diyos.

8Tinatakpan niya ang kalangitan ng mga ulap at hinahanda ang ulan para sa lupa, na nagpapalago ng mga damo sa mga kabunkukan.

9Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop at mga inakay na uwak kapag sila ay umiiyak.

10Hindi siya humahanga sa bilis ng kabayo o nasisiyahan sa lakas ng binti ng isang tao.

11Nasisiyahan si Yahweh sa mga nagpaparangal sa kaniya, sa mga umaasa sa katapatan niya sa tipan.

12Purihin niyo si Yahweh, kayong mga mamamayan ng Jerusalem! Purihin niyo ang inyong Diyos, Sion.

13Dahil pinalalakas niya ang rehas ng inyong mga tarangkahan, pinagpapala niya ang mga batang kasama ninyo.

14Pinagyayaman niya ang mga nasa loob ng inyong hangganan, pinasasaya niya kayo sa pamamagitan ng pinakamaiinam na trigo.

15Pinadadala niya ang kaniyang kautusan sa mundo, dumadaloy ito nang maayos.

16Ginagawa niyang parang nyebe ang lana, pinakakalat niya ang mga yelo na parang abo.

17Nagpapaulan siya ng yelo na parang mumo, sinong makatitiis ng ginaw na pinadala niya?

18Ipinahahayag niya ang kaniyang utos at tinutunaw ito, pina-iihip niya ang hangin at pinadadaloy niya ang tubig.

19Ipinahayag niya ang kaniyang salita kay Jacob, ang mga alituntunin niya at makatuwirang mga utos sa Israel.

20Hindi niya ginawa ito sa ibang bayan, wala silang alam sa kaniyang mga utos. Purihin si Yahweh.

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath