Mga Awit 142
wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles
1Gamit ang aking boses ako ay tumatawag kay Yahweh; nagsumamo ako gamit ang aking boses kay Yahweh.
2Ibinuhos ko ang aking pagdadalamhati sa harap niya; sinabi ko sa kaniya ang aking mga kaguluhan.
3Kapag nanghina ang aking espiritu, alam mo ang aking landas. Sa aking paglalakad sila ay nagtago ng patibong para sa akin.
4Tumingin ako sa aking kanan at nakita na walang sinuman ang nagmamalasakit sa akin. Hindi na ako makakatakas; walang nag-aalala sa aking buhay.
5Ako ay tumawag sa iyo, Yahweh; at sinabi, “ Ikaw ang aking kublihan, ang aking bahagi sa lupain ng mga buhay.
6Makinig ka sa aking tawag, dahil napakalungkot ko; sagipin mo ako mula sa aking mga taga-usig, dahil sila ay mas malakas kaysa sa akin.
7Ilabas mo ang aking kaluluwa mula sa kulungan para ako ay makapagpasalamat sa iyong pangalan. Ang matutuwid ay magtitipon sa aking paligid dahil ikaw ay naging mabuti sa akin.”
pinagmulan: banal na Bibliya
WEBREATH · 11:11
«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath