Mga Awit 116
wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles
1Mahal ko si Yahweh dahil naririnig niya ang aking tinig at mga pakiusap para sa awa.
2Dahil siya ay nakinig sa akin, ako ay tatawag sa kaniya habang ako ay nabubuhay.
3Ang mga tali ng kamatayan ay pinaligiran ako, at ang mga patibong ng Sheol ay nasa harapan ko; aking nadama ang hapis at kalungkutan.
4Pagkatapos tumawag ako sa pangalan ni Yahweh: “Pakiusap O Yahweh, iligtas mo ang buhay ko.”
5Maawain at makatarungan si Yahweh; ang ating Diyos ay mahabagin.
6Pinagtatanggol ni Yahweh ang walang muwang; ako ay ibinaba, at kaniyang iniligtas.
7Maaaring bumalik ang aking kaluluwa sa lugar ng kaniyang kapahingahan, dahil si Yahweh ay naging mabuti sa akin.
8Dahil iniligtas mo ang buhay ko mula sa kamatayan, at ang mata ko mula sa mga luha, at ang mga paa ko mula sa pagkatisod.
9Maglilingkod ako kay Yahweh sa lupain ng mga buhay.
10Naniwala ako sa kaniya, kahit sinabi kong “Lubha akong nahirapan.
11Padalos-dalos kong sinabing, “Lahat ng tao ay mga sinungaling.”
12Paano ako makakabayad kay Yahweh sa lahat ng kabutihan niya sa akin?
13Aking itataas ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ni Yahweh.
14Aking tutuparin ang mga panata ko kay Yahweh sa harapan ng kaniyang buong bayan.
15Mahalaga sa paningin ni Yahweh ang kamatayan ng kaniyang mga santo.
16O Yahweh, tunay nga, ako ay iyong lingkod; ako ang iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga pagkakatali.
17Aking iaalay sa iyo ang handog na pasasalamat at tatawag sa pangalan ni Yahweh.
18Aking tutuparin ang mga panata ko kay Yahweh sa harapan ng kaniyang buong bayan,
19sa mga silid ng tahanan ni Yahweh, sa inyong kalagitnaan, sa Jerusalem. Purihin si Yahweh.
pinagmulan: banal na Bibliya
WEBREATH · 11:11
«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath