Kristiyanismo
bumalik

Mga Awit 115

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1Huwag sa amin, O Yahweh, huwag sa amin, pero sa iyong pangalan maibigay ang karangalan, dahil sa iyong katapatan sa tipan.

2Bakit sasabihin ng mga bansa, “Saan naroon ang kanilang Diyos?”

3Ang aming Diyos ay nasa langit; ginagawa niya ang kaniyang maibigan.

4Ang diyos-diyosan ng mga bansa' ay pilak at ginto, gawa sa mga kamay ng mga tao.

5Silang mga diyos-diyosang ay may mga bibig, pero sila ay hindi nagsasalita; mayroon silang mga mata, pero hindi sila nakakakita;

6mayroong silang mga tainga, pero hindi sila nakakarinig; mayroong silang mga ilong, pero hindi sila nakakaamoy;

7Mayroon silang mga kamay, pero hindi sila nakakaramdam; mayroon silang mga paa, pero hindi sila nakakalakad; ni hindi nila magawang magsalita sa kanilang mga bibig.

8Silang mga gumawa sa kanila ay tulad nila, gaya ng lahat ng nagtitiwala sa kanila.

9O Israel, magtiwala kayo kay Yahweh; siya ang iyong saklolo at kalasag.

10Ang tahanan ni Aaron, magtiwala kayo kay Yahweh; siya ang iyong saklolo at kalasag.

11Kayong gumagalang kay Yahweh, magtiwala sa kaniya; siya ang iyong saklolo at kalasag.

12Pinapansin at pagpapalain tayo ni Yahweh; kaniyang pagpapalain ang sambahayan ng Israel; kaniyang pagpapalain ang sambahayan ni Aaron.

13Kaniyang pagpapalain ang nagpaparangal sa kaniya, kapwa bata at matanda.

14Nawa palalaguin ni Yahweh ang inyong bilang ng higit pa, kayo at ang inyong mga kaapu-apuhan.

15Pagpalain kayo ni Yahweh, na siyang gumawa ng langit at lupa.

16Ang kalangitan ay kay Yahweh; pero ang lupa ay kaniyang ibinigay sa sangkatauhan.

17Ang patay ay hindi magpupuri kay Yahweh, ni sinumang bumaba sa katahimikan;

18Pero aming pagpapalain si Yahweh ngayon at magpakailanman. Purihin si Yahweh.

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath