Kristiyanismo
bumalik

Mga Awit 108

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1Nakatuon ang aking puso, O Diyos; aawit ako, oo, aawit ako ng mga papuri kasama ng aking naparangalang puso.

2Gising, lira at alpa; gigisingin ko ang madaling araw.

3Magbibigay ako ng pasasalamat sa iyo, Yawheh, sa gitna ng mamamayan; aawit ako ng mga papuri sa iyo sa mga bansa.

4Dahil ang iyong katapatan sa tipan ay dakila sa ibabaw ng kalangitan; at ang iyong pagiging mapagkakatiwalaan ay umaabot sa himpapawid.

5Itanghal ka, O Diyos, sa ibabaw ng kalangitan, at nawa ang iyong kaluwalhatian ay maparangalan sa buong mundo.

6Para ang iyong mga minahal ay maligtas, sagipin mo kami ng iyong kanang kamay at sagutin kami.

7Nagsalita ang Diyos sa kaniyang kabanalan; “Magdiriwang ako; hahatiin ko ang Shekem at hahatiin ang lambak ng Sucot.

8Akin ang Gilead, at akin ang Manases; akin rin ang salakot ang Efraim; ang Juda ang aking setro.

9Ang Moab ang aking palanggana; sa Edom itatapon ko ang aking sapatos; sisigaw ako sa pagtatagumpay dahil sa Filistia.

10Sino ang magdadala sa akin sa matatag na bayan? Sino ang papatnubay sa akin sa Edom?”

11O Diyos, hindi mo ba kami tinalikuran? Hindi ka pumunta sa digmaan kasama ng aming mga sundalo.

12Bigyan mo kami ng tulong laban sa kaaway, dahil walang saysay ang tulong ng tao.

13Magtatagumpay kami sa tulong ng Diyos; tatapakan niya ang aming mga kaaway.

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath