Kristiyanismo
bumalik

Mga Awit 101

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1Aawit ako tungkol sa katapatan sa tipan at katarungan; sa iyo, Yahweh, ako ay aawit ng mga papuri.

2Lalakad ako sa daan ng katapatan. O, kailan ka lalapit sa akin? Lalakad ako ng may katapatan sa loob ng aking tahanan.

3Hindi ako gagawa ng mga pagkakamali sa harapan ng aking mga mata; nasusuklam ako sa walang katuturang kasamaan. Hindi ito kakapit sa akin.

4Iiwanan ako ng mga taong matigas ang ulo; hindi ako tapat sa kasamaan.

5Lilipulin ko ang sinumang lihim na naninirang puri sa kanyang kapwa. Hindi ko papayagan ang sinumang may mapagmataas at aroganteng pag-uugali.

6Babantayan ko ang mga tapat sa kalupaan na uupo sa aking gilid. Ang mga taong lumalakad na may katapatan ay makakapaglingkod sa akin.

7Ang mga mandarayang tao ay hindi mananatili sa loob ng aking tahanan; ang mga sinungaling ay hindi malugod na tatanggapin sa aking harapan.

8Sa bawat umaga ay wawasakin ko ang mga masasama mula sa lupain. Aalisin ko ang lahat ng masamang tao mula sa lungsod ni Yahweh.

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath