Kristiyanismo
bumalik

Levitico 12

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1Sinabi ni Yahweh kay Moises,

2“Kausapin ang mga tao ng Israel, sabihin, 'kung nabuntis ang isang babae at nanganak ng isang batang lalaki, sa gayon siya ay magiging marumi sa loob ng pitong araw, halos katulad ng siya'y marumi noong mga araw ng kaniyang buwanang pagdurugo.

3Sa ikawalong araw dapat tuliin ang laman na natatakpan ng balat ng isang sanggol na lalaki.

4Pagkatapos magpapatuloy ang paglilinis ng ina mula sa kaniyang pagdurugo sa loob ng tatlumput-tatlong araw. Dapat hindi siya hahawak ng anumang banal na bagay o pupunta sa loob ng tabernakulo habang hindi tapos ang mga araw ng kaniyang paglilinis.

5Ngunit kung manganganak siya ng isang sanggol na babae, sa gayon magiging marumi siya sa loob ng dalawang linggo, gaya nang siya ay nasa panahon ng kaniyang pagdurugo. Pagkatapos magpapatuloy ang paglilinis ng ina sa loob ng animnaput-anim na araw.

6Kapag natapos ang mga araw ng kanyang paglilinis, para sa isang anak na lalaki o isang anak na babae, dapat siyang magdala ng isang taong gulang na tupa bilang isang handog na susunugin at isang batang batu-bato o kalapati bilang isang handog para sa kasalanan, sa pasukan ng tolda ng pagtitipon, para sa pari.

7Pagkatapos ay ihahandog niya ito sa harapan ni Yahweh at gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya at malilinis siya mula sa kaniyang pagdurugo. Ito ay ang batas tungkol sa isang babae na magsisilang sinuman sa dalawa isang lalaki o isang batang babae.

8Kung siya ay walang kakayahang bumili ng isang tupa, kung gayon dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batang batu-bato, isa bilang isang handog na susunugin at ang iba bilang isang handog para sa kasalanan, at ang pari gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya; pagkatapos magiging malinis siya.'”

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath