Job 5
wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles
1Manawagan ka na ngayon, mayroon bang makikinig sa iyo? Sino sa mga banal ang malalapitan mo?
2Dahil papatayin ng galit ang isang hangal, papatayin ng selos ang walang isip.
3Nakakita na ako ng isang hangal na lumalalim na ang ugat, pero bigla kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
4Ang kaniyang mga anak ay malayo sa kaligtasan; naipit sila sa mga tarangkahan ng lungsod. Wala kahit isa ang magliligtas sa kanila —
5ang ani nila ay kinain ng mga nagugutom, ng mga taong kumukuha nito mula sa mga matinik na lugar; ang mga kayamanan nila ay sinimot ng mga taong nauuhaw dito.
6Sapagkat ang mga paghihirap ay hindi tumutubo mula sa lupa; kahit ang kaguluhan ay hindi umuusbong mula sa lupa;
7Pero gumagawa ang sangkatuhan ng sarili niyang kaguluhan, gaya ng mga apoy na lumilipad paitaas.
8Pero ako, sa Diyos ako lalapit, ipagkakatiwala ko sa Diyos ang aking kalagayan —
9siya na gumagawa ng mga dakila at makabuluhang mga bagay, mga kamangha-manghang bagay na hindi na mabilang.
10Nagbibigay siya ng ulan sa lupa, at nagpapadala ng tubig sa mga taniman.
11Ginawa niya ito para itaas ang mga mabababa; para ilikas ang mga taong nagdadalamhati sa mga abo.
12Binibigo niya ang mga balak ng mga tuso, para hindi makamit ang mga binalak nila.
13Binibitag niya ang mga matatalino sa kanilang katusuhan; ang mga plano ng matatalino ay matatapos din.
14Nagpupulong sila sa dilim tuwing umaga, at nangangapa sa tanghali na tulad nang sa gabi.
15Pero inililigtas niya ang mga mahihirap mula sa mga espada na nasa kanilang mga bibig, at ang mga nangangailangan mula sa mga mayayaman.
16Kaya may pag-asa ang mahihirap, at ang kawalan ng katarungan ay itinitikom ang kaniyang sariling bibig.
17Tingnan mo, masaya ang taong tinutuwid ng Diyos; kaya huwag mong kamuhian ang pagtutuwid ng Makapangyarihan.
18Dahil siya ay sumusugat at tumatapal, sumusugat siya at siya rin ang gumagamot.
19Ililigtas ka niya sa anim na kaguluhan; lalo na, sa pitong kaguluhan, walang anumang masama ang makagagalaw sa iyo.
20Sa tag-gutom ikaw ay kaniyang ililigtas mula sa kamatayan; sa digmaan mula sa kapangyarihan ng espada.
21Ikukublli ka mula sa latay ng mga dila; at hindi ka matatakot kapag ang pagkawasak ay dumating.
22Tatawanan mo ang pagkawasak at tag-gutom, at hindi ka matatakot sa mga mababangis na hayop.
23Sapagkat may kasunduan ka sa mga bato sa iyong taniman; magiging mapayapa ka sa mga mababangis na hayop.
24Matitiyak mo na ang iyong tolda ay ligtas; dadalawin mo ang iyong kawan at makikitang hindi ito nabawasan.
25Matitiyak mo na dadami ang iyong lahi, na ang iyong mga anak ay matutulad sa mga damo sa lupa.
26Uuwi ka sa iyong puntod sa iyong katandaan, tulad ng mga naipong mga tangkay ng palay na dinadala sa giikan.
27Tingnan mo, siniyasat namin ang bagay na ito; ganito talaga ito; pakinggan mo ito at patunayan sa iyong sarili.”
pinagmulan: banal na Bibliya
WEBREATH · 11:11
«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath