Kristiyanismo
bumalik

Isaias 64

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1O Yahweh, kung binuksan mo ang kalangitan at ikaw ay bumaba! Nayanig sana ang mga bundok sa iyong presensya,

2tulad nang pagningas ng apoy sa kasukalan, o ng apoy na nagpapakulo ng tubig. O, na malalaman ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan, na manginginig ang mga bansa sa iyong presensya!

3Noon, nang gumawa ka ng mga kamangha-manghang mga bagay na hindi namin inaasahan, bumaba ka, at ang mga bundok ay nayanig sa iyong presensya.

4Mula noong sinaunang panahon wala pang sinuman ang nakarinig o nakakilala, ni nakakita ng anumang Diyos maliban sa iyo, na gumagawa ng mga bagay para sa sinumang umaasa sa kanya.

5Dumarating ka para tulungan ang mga nagagalak na gumawa kung ano ang tama, sila na nakakaalala ng iyong mga paraan at sumusunod sa mga ito. Nagalit ka ng kami ay nagkasala. Sa iyong mga paraan lagi kaming maliligtas.

6Dahil kaming lahat ay naging tulad ng isang taong marumi, at lahat ng aming matutuwid na gawa ay parang pasador. Kaming lahat ay nalanta na parang dahon; ang aming mga kasamaan, tulad ng hangin, ay naglayo sa amin.

7Walang sinumang tumatawag sa pangalan mo ang nagsikap na humawak sa iyo, dahil itinago mo sa amin ang iyong mukha at pinaubaya kami sa aming mga kasalanan.

8Gayun pa man, Yahweh, ikaw ang aming ama, kami ang putik. Ikaw ang nagbigay hugis sa amin, at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.

9Yahweh, huwag kang magalit nang labis sa amin, ni laging alalahanin ang aming mga kasalanan. Pakiusap masdan mo kaming lahat, ang iyong bayan.

10Ang iyong mga banal na lungsod at ang Sion ay naging isang ilang, ang Jerusalam isang kalungkutan.

11Ang aming banal at magandang templo, kung saan ang aming mga ninuno ay nagpuri sa iyo, ay nawasak ng apoy, at lahat ng mga mamahalin ay wasak na.

12Paano ka pa nakakapagpigil, Yahweh? Paano mo nagagawang manatiling tahimik at nakapagpapatuloy na hiyain kami?”

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath