Kristiyanismo
bumalik

Isaias 20

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1Sa taon nang pumunta si Tartan sa Asdod, nang pinadala siya ni Sargon ang hari ng Asiria, nilabanan niya at sinakop ang Asdod.

2Sa panahon na iyon, nagsalita si Yahweh kay Isaias ang anak na lalaki ni Amoz at sinabing, “Hubarin mo ang iyong sako sa iyong baywang, at tanggalin mo ang iyong sandalyas”. Ginawa niya ito, naglalakad ng hubad at nakayapak.

3Sinabi ni Yahweh, “Gaya ng lingkod kong si Isaias na naglakad ng hubad at nakayapak ng tatlong taon, isa iyong palatandaan at pangitain tungkol sa Ehipto at tungkol sa Etiopia—

4sa ganitong paraan dadalhin ng hari ng Asiria ang mga bihag ng Ehipto, ang mga tapon ng Etiopia, bata at matanda, hubad at nakayapak, at walang panakip sa pigi, sa kahihiyan ng Ehipto.

5Sila ay malulungkot at mapapahiya, dahil sa Etiopia na kanilang pag-asa at dahil sa Ehipto na kanilang kaluwalhatian.

6Sa araw na iyon, sasabihin ng mga naninirahan sa mga pampang na ito, 'Tunay nga, ito ang naging pinaggagalingan ng ating mga pag-asa, kung saan tayo tumakbo para masagip mula sa hari ng Asiria, pero ngayon, paano tayo makakatakas?'”

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath